HOME OF THE Home

primer
home
WORKS
In Depth wth Foreign Debt
The Growing Philippine Debt Crisis
Praymer sa Pagpapatalsik Kay ERAP
"Sobra nang Pahirap, Patalsikin si Erap!"
READ THE NEWS!!

Valentines Special Feature
links
SITEMAP
Sign our Guest Book
about us email us

"Sobra nang Pahirap, Patalsikin si Erap!"

Anu-ano ang mga grupo o sektor ng lipunang nagnanais patalsikin si Erap?

Mga estudyante sa iba't ibang Unibersidad, manggagawa, propesyonal , politiko, relihiyoso at mga militanteng grupo kagaya ng ANAKBAYAN, KMU, SANGKAP KADAMAY, ALMANA, KDM, GABRIELA, COPA at marami pang ibang may iisang layunin.

Narito ang ilan sa mga opsyong inire-rekomenda ni dating Pangulong Corazon Aquino laban kay Erap:

  1. Impeachment-pagsasakdal sa Pangulo na ngangailangan ng mahabang panahong proseso
  2. Leave of Absence- ang kahabaan nito ay tumutukoy kung gaano rin tatagal ang impeachment
  3. Resignation- o kusang pagbibitiw ng Pangulo

Paano mahahatulang nagkasala si Erap?

Ang mga senador na gaganap bilang mga jurors ang magpapasya sa kasong impeachment laban kay Erap.Ang nasasaad sa batas ay 2/3 na boto ang kailangan sa bawat kaso para sa conviction. Sa bawat kaso, kapag may 8 botong nakuha si Erap ay absuwelto na siya.

Sino ang papalit kay Erap kung sakaling kusa itong magbitiw?

Ang Pangalawang Pangulo o si Gloria Macapagal Arroyo ang papalit sa kanya. Ito'y nakasaad sa 1987 Konstitusyon: Artikulo VII, Seksyon 8.

Anong aksyon ang nararapat na gawin ng mga tao?

Simple lang. Huwag na tayong magpapaloko sa mga pekeng titulo ng lupa, sa Jeep ni Erap at Rollingf Store. Tama na ang buwan buwang pagtaas ng presyo ng langis, ang pagtaas ng bilang ng walang trabaho, ang pagbagsak ng piso sa dolyar at ang pagdami ng mga cronies. Kailangan na tayong lumaban at makiisa sa anumang kilos protestang idaraos ng mga Anti-Erap. Sulatan natin ang mga editor ng iba't ibang pahayagan, at tawagan natin ang mga iba't ibang istasyon ng radyo at telebisyon. Pumanig tayo sa Saligang Batas na nakabase sa katotohanan na siyang nilikha at pinatibay ng taumbayan.

Dinah F. Silverio

[PAGE 1] [PAGE 2] [PAGE 3] [PAGE 4] [PAGE 5]

home



Copyright © 2001. The Supervixens.
Sheryle Pablo and Dinah Silverio.
All Rights Reserved.
University of the Philippines,Diliman Q.C.