HOME OF THE Home

primer
home
WORKS
In Depth wth Foreign Debt
The Growing Philippine Debt Crisis
Praymer sa Pagpapatalsik Kay ERAP
"Sobra nang Pahirap, Patalsikin si Erap!"
READ THE NEWS!!

Valentines Special Feature
links
SITEMAP
Sign our Guest Book
about us email us

"Sobra nang Pahirap, Patalsikin si Erap!"

Bilang tugon sa kontrebersyang ito, ano ang maaring gawin ng taong -bayan?

Ang taong-bayan ay maaring magsagawa ng mga kilos protestang hindi lalabag sa Saligang Batas kung ninanais nilang paalisin ang Pangulo.Maari silang mag-rally upang isiwalat ang kanilang damdamin bilang mga mamamayan. Ito'y naaayon sa 1987 Constitution na nagsasabing malaya ang sinuman upang magsalita at magsama-sama sa mapayapang pagkilos.

  1. Ang pagtawag ni Cardinal Sin at dating Pangulong si Corazon Aquino sa mga mamamayang pilipino upang dumalo sa isang prayer rally upang mapatalsik si Erap ay isang paraan.
  2. Ang sinumang tumututol sa kasalukuyang administrasyon ay maari ring magsagawa ng tinatawag na "human chain" o pagkakapit -bisig sa lansangan o sa harapan ng opisina ng pamahalaan bilang bahagi ng kilos protesta.
  3. Ang pagsusuot ng itim na damit ay isa ring tanda ng pakikiisa ng layunin.
  4. Ang pagpapalaganap ng mga gawang protest stickers laban sa Pangulo ay isa ring paraan.
  5. Ang pag-compose ng mga kantangnaglalaman ng mga hinaing sa gobyerno ay kalimitan ring ginagawa.
  6. At ang paglulunsad ng network kagaya ng :elagda.com., iskandalo.com at impeacherapnow.com ay isa ring malawakang kampanyang humihikayat sa pagpapatalsik sa Pangulo.

Ano ang Civil Disobedience?

Ito ay inilunsad ng Kongreso ng Mamamayang Pilipino (KOMPIL) na humihikayat sa mga mamamayan upang lumahok dito na may layuning huwag magbayad ng buwis, huwag sundin ang batas ng gobyerno at iboykot ang mga produkto ng kumpanyang kakampi ng pamahaan.


[PAGE 1] [PAGE 2] [PAGE 3] [PAGE 4] [PAGE 5]

home



Copyright © 2001. The Supervixens.
Sheryle Pablo and Dinah Silverio.
All Rights Reserved.
University of the Philippines,Diliman Q.C.