HOME OF THE Home

primer~oust ERAP
home
WORKS
In Depth wth Foreign Debt
The Growing Philippine Debt Crisis
Praymer sa Pagpapatalsik Kay ERAP
"Sobra nang Pahirap, Patalsikin si Erap!"
READ THE NEWS!!

Valentines Special Feature
links
SITEMAP
Sign our Guest Book
about us email us

"Sobra nang Pahirap, Patalsikin si Erap!"
erap resign Ano ang Sigaw ng Sambayanan? Sobra nang Pahirap, Patalsikin Si ERAP!

Hindi na bago sa ating pandinig at paningin ang mga kontrebersyang kinasasangkutan ng ating ika-13 Pangulo ng Republika ng Pilipinas na si Joseph Ejercito Estrada, ang kauna-unahang Presidenteng mai-impeach sa Asya. Sa kauna-unahang pagkakataon sa ating kasaysayan mula noong 1986 Edsa Revolt, ang ibat't ibang sektor sa Pilipinas ay maiging bumabantay sa proseso ng impeachment laban sa Pangulo sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ibat'ibang kilos protesta.

Ano ang impeachment?

Ang impeachment ay isang paghabla o pag-uusig sa ilang matatas na pinuno ng pamahalaan gaya ng Pangulo o Pangalawang Pangulo at iba pang namumuno sa puwestong Konstitusyunal . Ito ay sa kadahilanang paglabag sa Saligang Batas o culpable violation of the Constitution, pagtaksil sa bayan o treason, bribery , graft and corruption at betrayal of public trust ( Artikulo XI, seksyon 2 ng 1987 Konstitusyon).

Paano ii-impeach ang opisyal?

  • Una, umpisahan ang impeachment sa Kamara sa pamamagitan ng reklamo ng mamamayan na inaayunan ng isa o mahigit pang miyembro ng Kongreso.
  • Ikalawa, susuriing mabuti ng mga Kongresista kung may sapat nga bang ebidensya na maaaring nagkasala ang opisyal. Ito ang magiging basehan upang siya'y patalsikin sa kanyang kinauupuan. Ikatlo, kinakailangang 73 miyembro o 1/3 ng lower house ang bumoto rito upang agad nang ma-endorso ang reklamo sa Senado.
  • Matapos maisagawa ang lahat ng mga ito, impeach na ang opisyal.

[PAGE 1] [PAGE 2] [PAGE 3] [PAGE 4] [PAGE 5]

home



Copyright © 2001. The Supervixens.
Sheryle Pablo and Dinah Silverio.
All Rights Reserved.
University of the Philippines,Diliman Q.C.