HOME OF THE Home

primer
home
WORKS
In Depth wth Foreign Debt
The Growing Philippine Debt Crisis
Praymer sa Pagpapatalsik Kay ERAP
"Sobra nang Pahirap, Patalsikin si Erap!"
READ THE NEWS!!

Valentines Special Feature
links
SITEMAP
Sign our Guest Book
about us email us

"Sobra nang Pahirap, Patalsikin si Erap!"

Prosesong kriminal ba ang impeachment?

Hindi. Ito'y isang kasong administratibo sa ilalim ng Saligang Batas sapagkat ang pagtanggal sa puwesto at hindi pagkabilanggo ang parusa dito.

Bakit na-impeach ang Pangulong Estrada?

Ito'y sa kabila ng mga kasong kinasasangkutan niya na ibinunyag ng kanyang matalik na kaibigan na si Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson sa pagtanggap niya umano ng jueteng payola o lagay galing sa iligal na sugal na nagkakahalaga ng P200 milyong piso at P130 milyong piso naman sa tobacco excise tax na dapat sana'y pag-aari ng Ilocos Sur.

Anu-ano ang mga kasong inaakusa kay Erap?

  • Bribery/pagpapasuhol- sa pagtanggap ng P10 milyon kada buwan sa mga jueteng lords na idinadaan kay Chavit Singson, mula Nobyembre 1998- Agosto 2000.
  • Graft and corruption- sa pagtanggap ng P130 milyon galing sa P200 milyon inilabas ng gobyerno para sa mga magsasaka ng tabako; sa pagkakasangkot sa hindi maipaliwanag na biglaang-yaman kaya't hinatulan ng perjury o pagsisinungaling sa sinumpaan; at pagkakasangkot sa pagsali niya sa isang korporasyong family-controlled at nagtayo ng 36 townhouses sa Antipolo City.
  • Betrayal of public trust- sa pagtatanggol sa anak niyang si Jinggoy sa ginawang kaguluhan nito sa isang ospital at kay Jude na ibinalitang hindi nagbayad sa isang hotel. Hindi niya hinayaang batas ang humusga sa kanila; sa pagtalikod niya sa binitawan niyang pangako na wala siyang kikilangang kamag-anak o kaibigan; sa pakikialam niya at pakikipag-sabwatan sa isang crony sa BW Resources Corp. at pakikialam niya sa Securities and Exchange Commission.
  • Culpable violation of Constitution o paglabag sa Saligang Batas- Sa pag-utos niya sa Commissioner ng Bureau of Customs na ipamigay ang 52 magagarang sasakyan sa kanyang mga malalapit na Cabinet members.

[PAGE 1] [PAGE 2] [PAGE 3] [PAGE 4] [PAGE 5]

home



Copyright © 2001. The Supervixens.
Sheryle Pablo and Dinah Silverio.
All Rights Reserved.
University of the Philippines,Diliman Q.C.