HOME OF THE Home

primer
home
WORKS
In Depth wth Foreign Debt
The Growing Philippine Debt Crisis
Praymer sa Pagpapatalsik Kay ERAP
"Sobra nang Pahirap, Patalsikin si Erap!"
READ THE NEWS!!

Valentines Special Feature
links
SITEMAP
Sign our Guest Book
about us email us

"Sobra nang Pahirap, Patalsikin si Erap!"

Mabigat ba ang ebidensiya ni Singson?

Oo. Sapagkat ang pagsusumite niya ng apidabit kasabay ng pagbibigay niya ng kanyang testimonya kasama ang ebidensiya ( tape recorded na usapan ng mga taong kasangkot) ay sapat na upang tanggapin sa Korte.

Ano ba itong tinutukoy nilang ebidensiya?

Ang ebidensiya ay anumang bagay, sangkap o paraan upang mapalabas ang katotohanan. Maari itong mga pisikal na ebidensiya:nakikita o nahahawaka o nasusuri. Puwede rin itong dokumento tulad ng mga resibo, ledger o iba pang mga papeles. May 2 uri ng ebidensiya:

  1. Direktang ebidensiya- ito'y tungkol sa aktuwal na pangyayari kagaya ng isinalaysay ni Clarissa Ocampo , isa na opisyal sa bangko sa pagkakasaksi niya umano sa Pangulo na lumagda bilang si Jose Velarde.
  2. Ebidensiyang sirkumstansyal- tumutukoy sa testimonya at sirkumstansyang na kapag pinagsama ay isa itong aktuwal na nangyari.

Gaano dapat kabigat ang isang ebidensiya upang mapatunayang nagkasala si Erap?

Ang ebidensiyang nangingibabaw ang bigat o "propenderance of evidence" ang kinakailangan. Sa bigat ng mga testigo mukhang kahit na "proof beyond reasonable doubt" ang magiging basehan ay mapapatunayang nagkasala si Erap (Pil. Star Ngayon:Kapag May Kawiran ni Jopet Sison).

Ano ang kinakailangang gawin kung ang opisyal kagaya ni Erap ay na-impeach?

Nararapat lamang na siya'y sumailalim sa isang pagliltis na gaganapin sa Senado. Ang naghabla at ang hinahabla ay dapat magpakita ng ebidensiya. Ang paglilitis ay pangungunahan ng Chief Justice of the Supreme Court o Punong-hukom na hindi nararapat na bumoto.

Sa panig naman ng mga dumidepensa kay Erap, ginagamit ba ng mga ito ang depensang ayon sa Saligang Batas?

Hindi. Sila'y gumagamit ng Rules of Court kung saan dito nakasalaysay ang mga prosesong paghuhusga .


[PAGE 1] [PAGE 2] [PAGE 3] [PAGE 4] [PAGE 5]

home



Copyright © 2001. The Supervixens.
Sheryle Pablo and Dinah Silverio.
All Rights Reserved.
University of the Philippines,Diliman Q.C.