1. Huwag a-absent.
2. Huwag male-late.
3. Pagkaupo mo sa iyong lamesa, buksan isa-isa ang drawer at
magkalkal. Kunwari ay may hinahanap.
4. Pagkatapos mong magkalkal, tumayo ka at tunguhin ang mga
filing cabinet. Maghanap ka ng ipis.
5. Kung wala kang mahanap, tingnan mo ang iyong incoming &
outgoing tray. Kalkalin at maghanap ng mga natira sa iyong mga
kinutkot kahapon. Huwag kakainin muli. Labag sa kagandahang asal. Kung naglalaway ka sa mga iyon ay kunin mo ang nagamit mong tissue paper na nailagay mo sa iyong front drawer at ipunas sa laway mo. Pagkatapos ay ilagay muli. Maari mo pang magamit iyon bukas. Malaking katipiran sa iyo.
6. Kung biglang dumating ang iyong boss, hawakan kaagad ang
telepono at magsalita. Kunwari ay tinatanong ka ng iyong kausap
tungkol sa mga dokumento. Sumagot ka ng "Oh, I am sorry but I will bring that to your office immediately". Kumuha kaagad ng kahit anong folder at magpaalam ng maayos at buong giliw sa iyong boss. Lumabas ng nagmamadali.
7. Pumunta ka sa CR. Magsuklay. Tingnan mabuti ang sarili.
Mag-retouch kung babae. Tingnan kung baligtad ang underwear na
naisuot at kung lalake, maghilamos at basain ng konti ang buhok.
Magtiris ng mga taghiyawat. Magtagal ng mga limang minuto.
8. Pagkabalik mo sa iyong opisina, buksan ang computer. Hintaying
matapos ang Auto Scan. Marami ring minuto ang magugugol dito.
Magbukas ng isang file... Isa pa... at isa pa uli... Pumunta sa ccmail,tingnan ang inbox kung may hindi pa nababasa. Magbasa.
Kunwari ay bagong pasok ka lamang sa Grade One.
9. Pagkatapos ay kunin ang mga dapat gawing report. Titigang
mabuti. Pag-aralan ang klase ng papel na ginamit. Bilangin kung
ilang words ang nagamit.
10. Kung may tumawag sa telepono, kaagad sagutin. Huwag mong
hayaang ibaba kaagad ng kausap. Kumustahin. Tanungin tungkol sa mga National Issues katulad ng tungkol sa new traffic scheme, o sa pagkamatay ni Princess Diana. Kumustahin din ang latest style ng kanyang damit pati na kung saan magpapa-manicure at pedicure. Huwag lalagpas ng isang oras ang pakikipag-usap. Magagalit ang iyong boss.
11. Kung may report na tatapusin, tapusin ng eksakto sa deadline
hour. Kung may ita-type, magtype ng 10 wpm.
12. Tunguhin ang mga file na inipon sa loob ng ilang araw. Ayusin
isa-isa habang ini-imagine ang sarili na sumasahod ng $20,000
isang buwan. Huwag tatapusin. Magtira ng para sa ilang araw na
gawain.
13. Palaging magtungo sa CR. Kunwari ay may LBM. Palagi ring
bumisita sa ibang department, makipagchikahan.
14. Huwag mong titingnan ang iyong relo habang ginagawa mo ang
lahat ng nasa itaas. Kapag ginawa mo iyon ay lalo kang maiinip.
Hayaang mag-enjoy ang sarili sa iyong katamaran. Magugulat ka na
lamang na "time" na pala para umuwi.
15. Ayusin ang lamesa na para bang napakarami ng iyong trinabaho.
At bago umuwi, dumaan ng CR. Tingnan at hipuin ang mukha kung
gaano kakapal. Huwag pansinin ang mga kasamahan na mula umaga ay
tingin ng tingin sa iyo. Hindi naman sila ang nagpapasuweldo.
[HOME PAGE]
[LAFFALITTLE]
[REFLECTIONS][UGAT]
[TABOO SOUNDS][GALLERIA]
[E-MAIL]
Blueprint. GeoCities' zine for homepage help.
This page hosted by
Get your own Free Home Page