Huwag nyo akong subukan... by Aislinn
Power of 2
POWER OF 2®

you never have to be alone again.
[site map] [links]

home

Selected Works of Winette and Aislinn Selected Works of Winette and Aislinn

Utang ng Ina... by Winette
How To Gain Weight... by Winette
Huwag N'yo Kong Subukan... by Aislinn
Saksi Na Pag-Ibig... by Aislinn

Upclose and Personal

Photo Gallery

Sign In

On-line Advertisement Take the Plunge
2001 Swimsuit Collection




POWEROF2 ®
"HUWAG N'YO KONG SUBUKAN!":

A Primer on the Oust Estrada Campaign

ANO BA ANG IMPEACHMENT?

Ang Impeachment trial ay hindi dapat mapagkamalang isang criminal prosecution. Ang layunin lamang ng impeachment ay ang pagpapatalsik sa pwesto ng isang opisyal at pagdi-disqualify sa kanya na maluklok sa kahit anong pwesto sa gobyerno. Pero ayon sa ating Constitution, pagkatapos ng impeachment, ang akusado ay pwedeng sumailalim sa isang criminal prosecution.

ANU-ANO ANG MGA CHARGES LABAN KAY PANGULONG ESTRADA NA NAGING DAHILAN NG PAGSASAILALIM NIYA SA IMPEACHMENT TRIAL?

Ito ang mga charges sa impeachment motion na inaprubahan ng Congress laban kay Pangulong Estrada:

Una, BRIBERY.

Sinasabing tumanggap si Estrada ng P10 million buwan-buwan bilang bribe money galing sa jueteng lords ng illegal gambling operations sa pamamagitan ng kaibigan niyang si Provincial Governor Luis "Chavit" Singson, mula November 1998 hanggang August 2000.

Pangalawa, GRAFT and CORRUPTION .

Si Estrada ay tumaggap para sa kanyang personal benefit ng P130 million mula sa P200 million na ini-release ng gobyerno na para sana sa mga tobacco farmers.

Tinatayang may direct participation ang Pangulo sa real estate business sa pamamagitan ng isang kumpanyang kontrolado ng kanyang pamilya na nagpatayo ng 36 townhouses sa Antipolo City.

Marami din siyang unexplained wealth na tinuturing na pag-commit ng perjury dahil ayon sa mga records, siya, kasama ng kanyang asawa, mga mistress at mga anak ay may interes sa mga kumpanya na di kabilang sa tatlong business firm na nakalista sa statement niya ng assets at liabilities.

Pangatlo, BETRAYING THE PUBLIC TRUST.

Tinatayang may kaugnayan ang Pangulo sa sinabi ng Securities & Exchange Commission na maanomalyang bentahan ng stocks ng BW Resources Corp.

Sinasabing ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ay nagbigay ng franchise sa Best World Gaming and Entertainment Corporation para magsagawa ng online "bingo" sa buong bansa.

Imbes na ipaubaya sa batas, ipinagtanggol pa niya ang kanyang anak na si Jinggoy na nasangkot sa isang di pagkakaunawaan ng mga doktor at tauhan ng isang ospital at ang isa pang anak na si Jude na itinuturing hindi nagbayad ng hotel bills.

Sinalungat din ng pangulo ang sarili noong sinabi niya sa inagural speech nya na hindi nya kikilingan ang sino mang kamag-anak o kaibigan sa pamamalakad ng kanyang administrasyon.

Akusado rin siya ng hindi pagsunod sa Constitution sa pagkakaroon ng conflict of interest noong inaprubahan niya ang P100 milliion na donasyon ng government funds sa isang private foundation na inorganisa ng kanyang asawa.



Back to Top


Go To Page 2
________________________________________________
copyright2001©POWER OF 2®
Winette Manzanilla and Lenis Aislinn Chua
University of the Philippines, Diliman, QC
All Rights Reserved.