Nothing is in the Second Quadrant!
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
HOME  |  ABOUT US  |  PRODUCTS  |  JOIN US  |  CONTACT US  |  MESSAGE BOARD  
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
 

Sumali ako sa Second Quadrant kahit wala ng pera ang pamilya ko, well, nabawi ko naman ang puhunan ko. Ngayon, busy nako sa panloloko este, pagrerecruit ng mga kaibigan ko. Kahit alam kong hindi nila mababawi ang puhunan nila, ayos lang yun. Basta ako yumayaman. Hindi ko na kailangan ng kaibigan. Masarap ang pera. Wish ko lang hindi magsara ang company na ito, kasi pagnagkataon wala na akong kita, wala na din akong kaibigan. - ArnArn

Sa pagsali ko sa SQ, natuto ako magsinungaling. Masarap ang feeling lalo na kung alam mong may matatanggap kang checke pagkatapos ng linggo kasi may mabibiktima ka este, marerecruit kang kaibigan. - Isha

Ginamit ko ang strategy ng SQ sa pangangampanya ko noong nakaraang election. Pito-Pito scheme baga. Well, talo ako. Hindi lang pala talo, kulelat pa. Bakit ba kasi ang daming bobo ang naniniwala dyan. Isa nako doon. :( - Bro. Ed

Natuto ako na maging mapagmataas sa mga kaibigan ko. Isipin mo, sila trabaho ng trabaho, ako recruit lang ng recruit. Tapos benta ng mga low quality products eh kumikita linggo linggo. Ilang panahon na lang, milyonarya nako!! Who needs friends. Hindi ko na kailangan magsorry sa kanila. Makapal na mukha ko. Thanks SQ!! - Trisha

Hindi ko na kailangan magaral. Magrecruit na lang ng magrecruit. Hindi ko na din kailangan ng kaibigan. Ay kailangan ko pala, para marecruit ko sila. - Adzdi

Madami na akong narecruit dahil sa aking strategy. Una, sasabihin ko lang na magpapasama ako sa isang lugar pero in fact, sa seminar ng SQ ko sya dadalin. Wise diba? Ayos lang magalit, baka sakali marecruit eh. Sayang downlines. Pangalawa, ginagamit ko ang pangalan ng mga kaibigan ko. Kasi pagnalaman ng nirerecruit ko na kasama ko yung isa kong kaibigan eh for sure, sasali yun sa SQ. Mataas kasi tingin nila sa pangalan ng kaibigan ko kaysa sa akin. Ngayon lalo ng bumaba tingin ng mga kaibigan ko sa akin dahil sa mga strategy na yan. Ayos lang. Wala akong pakialam sa kanila. Hindi ako magsosorry. Mayaman nako. - Sand Castle

 



(C) 2004 Second Quadrant Philippines



Advertisement