Concecration to Our Mother of Perpetual Help
(Nobena sa wikang Ingles)



Pag-aalay ng sarili sa ating Ina ng Laging Saklolo
(Unang Miyerkoles ng buwan)



Kanilis-linisang Birhen Maria * Ina ng Diyos at Ina ng Sta. Iglesia, * ikaw ay amin ding Ina ng laging handang sumaklolo sa amin. * Taglay ang mga pusong lipus ng pag-ibig sa iyo * iniaalay namin ang aming sarili * sa iyong Kalinis-linisang Puso * upang kami ay maging tapat mong mga anak. * Ihingi mo kami ng tunay na pagsisi * sa aming mga kasalanan * at katapatan sa aming mga ipinangako * nang kami ay binyagan.


Iniaalay namin sa iyo * ang aming puso't kaluluwa * upang lagi naming sundin * ang kalooban ng aming Ama sa langit. * Iniaalay namin sa iyo ang aming buhay * upang lalo naming mahalin ang Diyos * at mabuhay kami hindi para sa aming sarili * kundi para kay Kriston iyong Anak * at upang siya"y aming makita at paglingkuran sa aming kapuwa


Sa abang pag-aalay na ito, * pinkamamahal na Ina ng Laging Saklolo, * ipinangangako * namin na ang aming buhay * ay itutulad namin sa iyo * ikaw na pinkaganap na Kristiyano * upang matapos naming, mailaan sa iyo ang aming sarili * sa buhay at kamatayan * ay makapiling nawa kami * ng iyong Anak magpakailanman



Amen



Mga kahilingan sa ating Ina ng Laging Saklolo
nakaraang pahina

Birheng Mahal
susunod na pahina



Panmbungad na awit at panalangin | Birheng Maria, Tala sa Umaga
Panalangin sa Nobena at para sa Tahanan | Mga kahilingan sa ating Ina ng Laging Saklolo
Pag-aalay sa Ating Ina ng Laging Saklolo | Birheng Mahal | Handog na Tagapagligtas at Pasasalamat
Panalanging para sa may mga sakit | Sambahin natin ang Panginoon | Benediksyon | Pagpupuri
Aba Ginoong Maria | Personal na Debosyon | Ang mga Redentorista sa Pilipinas