www banner earth


















  





   LAYUNIN

   Ang pagbubuklod na ito ng mga Pilipinong manggagawa sa Baladiya-
   Majari ay nahahati sa tatlong mga pangunahing layunin:

  1. PAG-IIMPOK
    Naniniwala ang lahat na ang pakikibaka natin dito sa abroad ay pawang pansamantala
    lamang, likas na tayo'y dapat mag-impok sa pamamagitan ng buwanang kontribusyon upang
    pahalagahan ang ating kinikita, sapat upang palaguin sa pamamagitan ng mga mapapakinabangang
    proyekto.
  2. PALAKASAN
    "Malakas na pangangatawan, malinaw na isipan." Sports bilang sandata ng pagkakaisa at
    kapatiran. Ang kahalagahan ng "sports" ay isinasaalang-alang ng samahan.
  3. PAGTULONG
    May mga panahon na dumarating ang pangangailangan ng suporta at pagtulong ng ating
    kapwa partikular ang mga kasapi ng samahan. Sa pamamagitan ng sapat na pondong nakalaan
    para sa bagay na ito, ang mga pangangailangan ng panandaliang pagkukunan ay pawang magkaka-
    roon ng kasagutan.

   MGA ALITUNTUNIN

  • 1. KONTRIBUSYON
    • 1.1. Ang mga nais lumahok sa Samahan ay magkakaloob ng DHS 25 (one share) kontribusyon kada buwan.
    • 1.2. Ang bawa't kasapi ay lilimitahan sa dalawang (2) shares.
    • 1.3. Kinakailangan na maisakatuparan ang paghuhulog ng kontribusyon (monthly due) sa loob lamang ng limang araw pagkatapos ng itinakdang suweldo.
    • 1.4. Ang pagbibigay ng hulog ay maaaring ibigay sa mga itinalagang kolektor kapalit ng resibong itatakda ng Samahan.
    • 1.5. Sa mga kasapi na magbabakasyon (annual leave) kinakailangan na ibigay ang kabuuan ng kanyang
      hulog sa kaukulang bilang ng buwan ng kanyang bakasyon. Kinakailangang ipaalam ang bilang ng buwan ng kanyang bakasyon sa Pamunuan ng Samahan.
    • 1.6. Sa mga kasapi na dahil sa di inaasahang pagkakataon ay nagbakasyon (emergency leave), binibigyan ng apat na buwang palugit upang ibigay ang kaukulang halaga ng monthly dues sakaling ito'y hindi mabayaran sa takdang oras.
    • 1.7. Ang sinumang kasapi na hindi makatupad sa Alituntunin 1.3 sa loob ng tatlong buwan (three consecutive months) ay padadalhan ng BABALA. Sa pagkakataon ng muling pagsaway o hindi pagtupad sa nasabing alituntunin pagkatapos na padalhan ng babala, ang naturang kasapi ay awtomatikong tatanggalin mula sa Samahan.
    • 1.8. Hindi tututulan ang sinumang kasapi na nais kumalas mula sa Samahan. Ang kaukulang halagang
      naimpok ay ibibigay isang buwan pagkatapos maabisuhan ang Pamunuan.
      • 1.8.1 Ang pagre-resign sa trabaho ay nangangahulugan ng pagkalas sa pagiging kasapi ng
        Samahan. Ipagkakaloob ng samahan ang kabuuan ng kanyang naimpok at bahagi ng
        tinubo (interest) ng samahan sa mga proyekto nito (total interest / # of members).
      • 1.8.2.1 Kabuuang halaga lamang ng buwanang kontribusyon - ipagkakaloob kung wala pang isang taon ang paghuhulog ng kontribusyon.
      • 1.8.2.2 Kabuuang halaga ng buwanang kontribusyon + kaukulang interest- ipagkakaloob kung mahigit nang isang taon ang paghuhulog ng kontribusyon.
    • 1.9. Limitasyon: Ang lahat ng kasaping may 2 'shares' ay pinahihintulutang mag-'reduce' ng share mula sa anumang kadahilanan subalit ang kasaping may isang 'share ay hindi maaaring magdagdag ng 'share,'
      kapag nakalipas ang unang buwan ng pagbabayad ng kontribusyon. Pahihintulutan ang pagbili ng share mula sa sinumang Pilipinong manggagawa ng Baladiya-Majari nguni't ito'y naayon sa mga sumusunod:
      • 1.9.1 Hindi pa naging kasapi ni minsan o mula nang ipatupad ang pagbuo muli ng bagong kasapian (Disyembre 2000). Siya'y ituturing na kasapi ng samahan at ibibigay ang lahat ng probisyong nauukol sa kanya.
      • 1.9.2 Ang lahat ng probisyong matatanggap ng bagong sapi ay magkakaroon ng katuparan ayon sa alituntuntuning ipinatutupad ukol dito.
  • 2. PAGTULONG
    Bilang isa sa pangunahing layunin, dapat isaalang-alang ang pagdating ng oras ng
    kagipitan sa sinumang kasapi ng samahan. Subali't dapat itoy nasasakupan ng mga balidong
    kadahilanan tulad ng mga sumusunod:
    • 2.1. Namatayan- Ang samahan ay nakahandandang magbigay ng halagang $200 para sa mga miyembrong namatayan ng kamag-anak naayon sa patakaran ng samahan.
      Para sa mga kasaping namatayan, ang nasasakupan lamang ng bibigyan ng natakdang
      halaga ay ang mga sumusunod:
      • 2.1.1. kasaping may asawa o pamilya (married status)- mga magulang, anak at asawa
      • 2.1.2. kasaping "single status"- mga magulang at kapatid
      Hindi nangangahulugan na ang pagtulong na isasagawa ng samahan ay para sa mga kasapi lamang,
      sa pamamagitan ng pangangalap ng boluntaryong abuloy mula sa miyembro o hindi miyembro para
      sa mga namatayan na hindi naayon sa alituntuning itinakda ng samahan ay isasakatuparan din ng Samahan.
      Ang lahat ng miyembro ay bukas pa rin sa pagbibigay ng boluntaryong abuloy.
      Ang programang ito ng samahan ukol sa pagtulong ay isasakatuparan pagkaraan ng apat(4) na
      buwan mula ng simulan ang unang paghuhulog ng kontribusyon.
    • 2.2. Sa mga kasaping naaksidente o sinapit ng sakuna at nagkaroon ng mabigat na karamdaman (permanent or temporary disability)
      - Ang samahan ay nakahandang tumulong, moral at pinansyal o anumang bagay na makabubuti. Ang halagang igagawad ng samahan ay $ 400.
    • 2.3. "Emergency Leave"
      May mga pagkakataon na ang kasapi ay uuwi (Pilipinas) ng hindi inaasahan dahil sa mga hindi
      maiwasang sitwasyon tulad ng namatayan o may malubhang karamdaman na kamag-anak.
      Magpapahiram ang samahan ng isang "one-way ticket" (pabalik) ng walang tubo subali't kinakailangan ang kanyang ATM card bilang garantiya. Pinaluluwagan ang kasapi na bayaran ang nasabing airline ticket sa loob ng anim buwan mula sa pagtanggap ng una niyang buong suweldo pagkatapos na siya'y makabalik mula sa kanyang "emergency vacation."
      Ang pagsasakatuparan ng bagay na ito ay sisimulan pagkaraan ng apat na buwan.
    • 2.4. Pag-uukala
      Ang programang pag-uukala ay ay ang paglalaan ng kaukulang halaga ng benepisyong matatanggap ng sinumang kasapi mula sa kanyang pagre-'resign sa trabaho. Ang programang ito ay opsyonal at limitado para sa mga kasapi lamang.
      Para sa mga kasaping nais magpa-ukala sakaling sila'y mag-resign. Ang samahan ay
      nagpapaubayang tumulong upang mag-asikaso ng kanilang mga papeles. Sakaling nais na ng nabanggit na kasapi na madala na agad ang kabuuan ng kanyang "gratuity" o "benefits" ang mga sumusunod ang maaaring igawad ng samahan:
      • 2.4.1 Ang sinumang kasapi na nagpaplanong mag-'resign' sa trabaho at nais magpaukala sa Samahan, kinakailangan tuwirang ipaalam sa Pamunuan dalawang buwan bago sumapit ang nakatakdang 'resignation.'
      • 2.4.2 Para sa mga kasapi na hindi inaasahan ang pare-resign mula sa di maiiwasang kadahilanan, ang kalahati ng kabuuan ng kanyang 'gratuity' ang ipagkakaloob lamang ng Samahan at ang natirang kalahati ay ipadadala na lamang sa oras na makuha ang kabuuang halaga ng benepisyo.
      • 2.4.3 Ang programa ukol dito ay limitado lamang sa isang kasapi kada dalawang buwan (first come first serve basis).
      • 2.4.4 Mag-iiwan ng halagang Dhs 1000 mula sa kabuuan ng kanyang gratuity. Anumang halaga na maiiwan kasama ang nabanggit na halaga (maaaring mabawasan o madagdagan) ay ipadadala agad sa kinauukulan sa oras na matanggap ang kabuuang halaga ng kanyang 'gratuity.' Ang lahat ang gastusin kasama ang 'court fee' at pamasahe ay sasagutin ng kasaping magre-resign.
      • 2.4.5 Dapat isaalang-alang ang pagkakaroon ng 'Clearance' mula sa Bangko, Etisalat at Central Store.
      • 2.4.6 Ipatutupad ang bagay na ito pagkaraan ng dalawang taon simula ng unang kontri-
        busyon upang makalikom ng sapat na halaga.
    • 2.5. Loan
      Ang samahan ay magpapahiram ng pera mula sa buwanang kontribusyon. Ang mga
      sumusunod ang patakaran.
      • 2.5.1. " First come, first serve basis".
      • 2.5.2 DHS 500 bilang " maximum loan".
      • 2.5.3. 3% ang interest
      • 2.5.4. kailangang bayaran sa loob lamang ng tatlong buwan (depende sa 'availability' ng pondo').
      • 2.5.5. ATM card bilang pinaka- colateral.
      • 2.5.6. Lahat ng 'loan' mula sa araw ng suwedo hanggang ika-10 ng susunod na buwan ay lalapatan ng kaukulang 3% tubo.
      • 2.5.7. Ang lahat ng kasaping may dating loan (na ang petsa ng unang loan ay sumasakop sa araw ng suweldo hanggang ika-10 ng susunod na buwan), ay hindi lalapatan ng interest sakaling maibalik niya ang kabuuang halaga ng loan bago matapos ang nasasakupang buwan.
        Halimbawa:
        Halaga ng dating loan = Dhs. 1000
        Petsa ng loan = Jan 19 (araw ng suweldo)
        Halaga ng tubo= Dhs 30 (para sa buwan ng Feb.)
        Petsa ng kabayaran= Feb 28
        Halaga ng tubo= wala para sa susunod na buwan
        Upang mapanatili ang pagkakapantay-pantay ng bawa't kasapi sa pagpapahiram, minabuti ng Samahan na bigyan ng pagkakataon o prayoridad ang mga kasapi na hindi pa nakakahiram
    • 2.6 Pamununuan
      Ang Pamunuan ng Samahan ay binubuo ng mga sumusunod na opisyales:
      • 2.6.1 Pangulo
        Ang pangulo ng Samahan ang mamumuno ng pangkalahatang kasapian (bago at luma).
        • 2.6.1.1 Lehislatibo at Eksekutibong Pamumuno (Legislative & Executive Power)
          Ang pangulo ang siyang mamumuno sa pagpapatupad ng lahat ng alituntuning isinagawa at binuo ng buong kasapian. Anumang bagay na wala sa alituntunin na humihingi ng madaliang pagdedesisyon ay maaring gampanan ng Pangulo. Subali't sa mga pagkakataon na humihingi ng tuwirang konsultalsyon mula sa Pamumuan o maging sa buong kasapian, marapat na magpatawag siya ng emergency meeting o general membership meeting.
      • 2.6.2 Pangalawang Pangulo
        • 2.6.2.1 Unang Pangalawang Pangulo (Old member)- Tagapangasiwa ng Programang Pang-Sports
          • 2.6.2.1.1 Pansamantalang tutupad ng lahat ng tungkulin nakaatas sa pangulo sa pagkakataon na ang Pangulo ay nasa bakasyon o hindi kayang gumanap sa kanyang tunkulin.
          • 2.6.2.2 Ikalawang Pangalawang Pangulo(Old member)- Tagapangasiwa ng Programa sa Pagtulong
            • 2.6.2.2.1 Hahalili sa unang Pangalawang Pangulo sakaling wala ito o hindi kayang gampanan pansamantala sa iniatas na tungkulin para sa kanya.
          • 2.6.2.3 Ikatlong Pangalawang pangulo (New Member)- Tagapangasiwa ng lahat ng mga aktibidades ng lahat ng mga bagong miyembro.
      • 2.6.3 Kalihim (Dalawa) - (one Old member & one new member)- Taga tala ng lahat ng minuto ng pagpupulong. Tagatawag ng pagpupulong (kahit naanong uri -regular man o emergency).
      • 2.6.4 Ingat Yaman (Apat) -3 from old members and one new member
      • 2.6.5 Auditor (Dalawa) - 1 old & 1 new member
      • 2.6.6 Business Managers (Walo) 4 old members and 4 new members
    • 2.7 Pagpupulong- Ang regular na pagpupulong para sa buong Pamunuan ay gaganapin sa tuwing pagsapit ng ika-10 ng bawa't buwan. Anumang pagbabago ay kinakailangan ipaalam sa lahat ng bumubuo nito dalawang araw bago sumapit ng itinakdang araw ng pagpupulong.
    • 2.8 Eleksyon- Isasakatuparan ang eleksyon pagkatapos ng dalawang taon ng pamumuno. Gaganapin ito sa buwan ng Hunyo.
back to top

 




















 
 HOME | SNPMBM | GUIDELINES | OFFICERS | MEM (A-L) | MEM (M-Z) | WHAT'S NEW | ABOUT US | ACKNOWLEDGE | GUESTBOOK 
 

This site is ideally viewed with a display setting of 800 x 600 using the latest version of Internet Explorer.
SNPMBM Copyright © 2004