Buhay EK  -- warren
(dedicated to everyone)

 

Hay sa wakas! Malapit na rin tayong gumradweyt. Ilan sa amin ay mamartsa na sa susunod na buwan, ang iba naman ay tatagal pa ng isang term dahil mahal na mahal nila ang thesis nila. Malapit – lapit na rin tayong magkahiwahiwalay pero bago mangyari yon, Hindi ba masarap isipin ang ating pinagsamahan, ang pinakamalaking barkadahang nabuo sa 52nd eng, at ito ay tinatawag na EK.

Saan nga pala nagmula ang EK? Sa aking pagkakatanda, ito ay nabuo noon pang 2nd year tayo. Pagpasok ng 1st term. Ang sarap alalahanin, para kaming mga freshmen na naglalakad ng sabay-sabay para lang gumala sa campus, kumain, mag-aral, o di naman kaya tumingin lang sa
mga naggagandahang mga tanawin sa paligid. Lalo na sa harap ng SJ. Lalo na pag Ubreak!

Mahaba-haba na rin ang pinagsamahan ng mga EK. Mula nung nabuo ito ay patuloy itong lumaki, meron mga umalis papuntang ibang bansa, o lumipat ng block, o na – irreg., pero kahit na! EK pa rin sila! At marami-rami na rin ang nadagdag. At habang tumatagal ay sumasaya
hindi ba? Marami-rami na rin tayong naimbentong mga expression at mga salita at mga gestures na hindi nagtagal ay inadopt na rin ng buong batch. Marami-rami na ring mga kalokohan ang ating pinagdaanan, mga kopyahang nabubuking pagdating ng exam, mga assignments na nagkapare-pareho, mga project sa lab. na pinagpapasa-pasahan, mga teacher na inasar, naasar sa atin, o kaya pinagpacute-an ng mga EK boys and girls.

Marami na rin naman tayong napagtripan sa ating klase at halos lahat ay hindi nakaligtas.

Lahat halos ng mga taga-EK ay may alias, tulad ni edrick --- naging doods ang tawag dahil kay dehins (dennis), si Pao naging chikachu, si warren biglang naging ATAY... este warner pala, si Mark Austria naging markus, si Mosses naging Bweinz, si Chris naging karate kid, si Nap na naging Napchete at marami pang iba.

Hindi ba ang sarap isipin paminsan-minsan ang hindi natin napapansin araw-araw, ang ating pinagsamahan! At ang samahang ito ay kitang kita sa tuwing may birthday, may party, o kahit nagkayayaan lang sa Kanumayan™. Meron din naman samahan ng mga batang mahilig sa
CounterStrike, o Rainbow Six noon, o kung anuman.  Maaalala natin na isang beses pumasok tayo sa klase ni Sir Bert na hipping hippy, mga tao nangangamoy pulang kabayo, at kasing pula nung kabayong ininom natin. Meron pang nag-uwi ng baso at nabasag din naman, meron naman biglang naging allergic sa crablets! OK na OK talaga! Ang saya di ba?

Pero kahit ganito kasaya ang EK marami ring lumalabas na mga isyu sa paligid. Mga kwentong parang kabuting bigla na lang susulpot at kakalat na parang gasolinang sinindihan ng apoy……..ngunit ang mga bagay na ito ay nakakadagdag sa makulay na buhay ng mga EK.

Ano nga ba ang meron sa atin at iba ang `bonding' natin kesa ibang grupo? Siguro talagang nagkataon lang na lahat ng mga cool na tao nagkasama sama sa isang block at pare-pareho ang takbo ng pag-iisip.Alalahanin naman natin ang nangyari nitong nakaraang taon. Kung iisipin natin, ang ating porcheer ang naging pinakamasaya at pinaka exciting sa lahat! Hindi ba?? Dito sa taong ito maraming nangyari. Naglabasan na ang lahat ng maaaring maglabasan. Nagkakilanlan na ang mga pagkatao ng isa't isa, at maraming kababalaghang nangyari sa
ating paligid.

Simulan natin nung 1st term. Nagulat tayong lahat dahil si tintin nag total makeover. At nagsimula na ang love pentagon ng EK. (pentagon nga ba o hexagon? Basta!). Nariyan si Glenn nangunguna, si Ronald, mai, at marami pang sumunod. (kilala nyo na kung sino kayo).
Si edrick naman na-link kay reychell, si chekwa kay luis, si rainier at ang lahat ng EK boys, si clint at si bweins, si ern at si jimmy at si winch, syempre nariyan na si Nanay Tere at TaTay JayBeh, si Mel at si Ms. Dulay, at marami pang iba. Marami pang nangyari sa mga sumunod na mga term: merong minalas na bumagsak sa broadac, datacom, ecelect, at meron ding nagoyo sa
enproma (shhh!!! Pang EK lang to!)

At dumating ang pinakamasayang bahagi ng taon—ang pasko. Dito nagsama-sama ang mga EK buong magdamag. Naaalala pa nating kinabukasan nung Xmas party kina edrick ay course card day.

Pinakamasaya to sa lahat ng party. Lahat masaya, merong umiinom pampatanggal ng pagkabadtrip nung nakaraang term, merong umiinom para mag celebrate dahil wala siyang bagsak, meron naman talagang wala lang, umiinom lang. Dito natin nakita ang lakas ng kalibre ng mga EK. Hindi maisip kung pano natin naubos ang 2 bote ng vodka (isang 1.5L na killer na finlandia at isang 1L na absolut), isang jose cuervo (tequila), isang `da best' chivas, ilang lata ng san mig. `the bitter beer', at ang paborito ng lahat, `Tumbador' este, Fundador pala, ang
finishing move nung umaga. Maaalala natin ang masayang pagmamahalan ni ron at chino sa isa't isa. Ang tagal na nagtalo dahil sa isang tagyawat (pimple), merong gumulong sa putik sa kaka Chinese get-up, meron namang tawa ng tawa, at maraming tumatahimik pag tinamaan na.
Meron pa nagsabing `tol hindi ako malalasing!!', meron namang nag-posing para sa centerfold sa banyo, merong natulog sa harap ng inidoro, meron sa lababo, at kung saan saan.

Pagkatapos nito ang next big happening ay ang pinakahihintay ng lahat-Da Baguio Days. Dito sa baguio maraming nangyaring milagro at kababalaghan, ngunit masasabi pa rin nating masaya ito.
Sa bus pa lang papuntang bagyo para tayong mga bata. Hindi man lang nawawalan ng enerhiyang mangulit buong biyahe! Nagbabatuhan ng pagkain, at syempre yung bus naging casino nanaman. At napansin kong tayo lang yung bus na magulo. Yung 2 bus na kasabay natin ang babait!! Sobrang tatahimik! Hindi yata ako tatagal doon! Siguradong OP ako. Eh sa atin, da best diba? Lahat ng katuwaan naisip na. Pati mga lubak sa kalsada at pagliko ng bus ay napagtitripan. Pati mga taong nakatambay lang sa kalsada na nadadaanan, at syempre yung mga chikas na nakikita hindi pinapalampas. Pati yata baka at kalabaw napagtripan din eh. Ok na ok talaga. Ang saya. Hehehehehe. =)

Meron mga nagdala ng `live show' na pinanood sa playstation (ang galing no?) nakita pa yata to ni Mr. Sapang. (ok lang daw naman eh), meron nagsolo sa isang kwarto ng alcohol, meron nagkekwentuhan lang, meron din namang mga tukmol na nag ghost-hunting (kasama ako don!!),
meron ding `nagbobonding', ang pinakamahirap na parte sa lahat… dahil dito nagka aminan ng mga katotohanan (meron kanya-kanyang bonding ang mga boys at gals).. at yung isang gabing gimik – gimbals, hindi makakalimutan ng marami sa atin. Nung gabi ding yon meron isa sa
ating umalis sa pagkabata at naging tunay na mama na! Merong mga nagyayang mag whoreback riding, (horseback) riding, sa BMC.

Pati sa picture nagkakakulitan. Meron nagyayayang magpapicture ng nakahubad ng tshirt, meron naghubo ng short hanggang lumabas ang -------- hehehehe bahala na kayo kung ano yon. Naaalala ko pa nung magkukuhanan ng picture buong block napagkakasya natin sa iisang
kwarto para lang magpapicture. Nakakatawa pa pagbisita natin sa kwarto ng mga faculty, ang gulat lang nila, buong EK nandon! Para silang binagyo pag alis natin.  May mga taong nadadaganan pagpicture, pati mga natutulog hindi pinalampas!

To cut the story short, ang raming nangyari nanaman sa lugar na yon sa kaunting oras na ating inilagi sa baguio.

Tapos dumating ang 3rd term. Nung una ayaw pa magsi drop ng mga loko ng thesis nila. Sa aking pagkakaalam, ang unang nag-isip na magdrop, at unang grupo na nagdrop, ay grupo nina warner,edrick,dennis,ron,at chekwa. Tapos merong mga napaisip, at di tumagal marami na rin ang mga nagdrop. Pero bilib tayo sa mga hindi nagdrop, ang grupo nina arnel,bodgie,nap,mai, kina clint, kina cadoc,chino,jopp,rainier (sino pa ba?). oooooppppppsssss....... si Bweinz at luis... kasama din ung dalwa na un! sila pa...=) gagraduate na rin sila sa wakas.

Sa ating paghihiwahiwalay sana naman ay hindi natin makalimutan ang ating pinagsamahan, na minsan tayong lahat ay naging tunay na magkakaibigan. Sana sa ating paghihiwalay ay maiiwan sa atin ang mga bakas ng kahapon, ang masasayang mga alaala na dapat itreasure at
kung anumang alitan na nangyari ay kalimutan natin. Sana sa ating pagtanda ay ganito pa rin ang ating samahan, at hindi ito matitinag ng panahon. At mayroon tayong babalikang pinagsamahan sa darating na mga taon.

 

yeko