ADVENTURE OF THE IMMORTALS

by: Josie Lardizabal

Mga Bida

Arnel Austria aka Aragorn - Team Leader X’treme-ordinaire
Carlo Raz aka Silencer - Razorback
Gladys Yuso aka Jean Grey - X’treme Songbird
Jhigs Yadao - Tarzan
Amor Tabaniag - Diwata
Josie Lardizabal - your humble scribe

Mga Extra - ganda at gwapo na L.A. Bas group

Lilian Shimamoto
Carlo Jacolbe
Fernando Amang Tagudin Jr.

I. Start of our Journey : Batangas City Pier, 14 April 2003 (Lunes, hapon)

After a 3-hr bus ride from Alabang, we reached the pier safe & sound. Sina Jigs at Gladys masarap
ang paghihilik sa bus kaya fresh na fresh pagbaba. Kaming dalawa ni Carlo eh nakangiting bumaba nakinig
kasi kami sa mga reflexology tips ni Dr Drax - the PT authority.

Nadatnan na namin dun ang L.A. Bas group na sina Lilian, Carlo at Amang. Umaga pa sila nag-aabang
ng byaheng papuntang Romblon.

Dahil wala pa namang byahe, nag-early dinner na kami. Dito ginawa ni Carlo ‘cool dude’ ang kanyang
krimen. Kung nahuli lang sya ng may-ari ng karinderya, tiyak diretso sa kusina para I-surrender ang kubyertos
na ninenok nya.

Walang diretsong byaheng papuntang Romblon. Ang extreme strategist na si Jhigs ay nagbabalak nang
sumakay ng barkong papuntang Mindoro. Medyo extreme na ang iniisip na plano para lang makarating sa
Sibuyan Island. Buti na lang may barkong papuntang Odiongan, malapit-lapit na ito sa destinasyon namin.

Umalis ang barko alas-7 ng gabi. Mga nagsipag-text at tawag na ang iba dahil baka wala nang signal sa laot.

II. Odiongan to San Agustin : 15 Apr 2003 (Martes, madaling araw)

Dumaong ang barko ng alas-345 ng madaling araw sa Odiongan. Unahan sa pagsakay ng jeep papuntang
San Agustin. Palibhasa mga adventurers kaya nag-top load na lang ang grupo (sakay sa ibabaw ng jeep).
Open to the elements pag nasa taas ka : wind, dust, sun and coconut fronds! May ilan sa mga kagwapuhan
ang nahampas, nasampal at nabatukan ng dahon ng niyog at mangga.


Clockwise : Carlo Raz, Lian, Amor, Carlo J, Jigz, Amang, Moi and Gladz - mukhang wala pang nahahampas
dito ng dahon, nakangiti pa lahat.

Roadside view is incredible. Long stretches of beach and on the other side hills looking down on us with
their slopes dressed in green. Wala sa Maynila ito kaya masarap ang pakiramdam communing with Nature.

Pagdating sa Sn Agustin, wala pang banka na magdadala sa amin sa Romblon. Pumila si ever-dependable
leader Aragorn para sa tickets. Kumain kami sa canteen dala ang baon naming adobo na luto ni Gladys (masarap
naman ah! Kahit walang suka).

Sinampolan rin namin yung kanilang gym. Akalain mo bang sa layo ng bayang ito sa Maynila eh meron pang
gym! Hindi naman kami disappointed dahil may ilang cutie pies dun, hehehe. Nagpapawis ng bahagya tapos lumarga
na kami.

III. Romblon, Romblon : 15 April 2003 (Martes, umaga)

Bumili kami ng supplies namin sa palengke. Pagkabili, umikot kami sa bayan nina Carl at Gladz.
Naghahanap kami ng murang mapagbibilhan ng pasalubong. Maraming naka-display na bagay gawa sa marmol.
Pero ang nakakatuwa ay merong internet café dun. Pasok kami agad para mag-email sa mga iniwan naming
ka-tropa sa Amkor para iparating sa kanila na nami-miss namin sila. Pero ang totoo, nang-inggit lang
kami kasi sa mga sandaling yun eh nagtatrabaho sila samantalang kami ang sarap ng buhay-turista.

IV. Sibuyan Island : 15 April 2003 (Martes, hapon)

Pagbaba kina Manong Lee, dumiretso kami nina Jigz at Carlo sa DENR local office. Nakilala namin
sina Mr. Dominador Mayandoc at Andy. Nilista namin ang mga pangalan ng bawat isa sa grupo at nakinig
sa maigsing BMC kasama na yung rules and regulations ng PAO. Saka na lang ibinigay yung permit namin
para umakyat.

Sunod naman ay pumunta kami sa munisipyo para mag-courtesy call sa mayor. Buti na lang naabutan pa
namin dahil parang paalis na sana si Mayor Haruta. Masayang kakwentuhan si Mayor at nabanggit rin namin
sa kanya yung hirap ng byahe papuntang Sibuyan. Sana nga ay magawan ng paraan para sa susunod naman na
punta dun ay mas maayos na ang byahe.

Nung matapos na ang aming misyon, back to the bat cave kami. Sumunod pala si Mang Dom sa tindahan ni
Manong Lee. Nangako si Mang Dom na pagbaba namin galing Guiting-Guiting ay maghahanda sya ng tilapia. Syempre,
nangako rin kami na diretso kami sa PAO office sa Huwebes.


Left to right : Carlo, Gladz, moi, Mang Dom, Lian, Amor, the venerable Manong Lee, Manong Lee’s relative.

Masarap ang tindang tinapay kina Manong Lee. May mga t-shirt na rin na may disenyo ng Mt Guiting-Guiting.
Nakakatuwa si Manong Lee dahil disoras na ng gabi ay gising pa. Imbes na pampatulog sa kanya ang beer, iba
ang naging epekto gising magdamag! Napatunayang mas mabisa pa kesa sa red bull. Sya rin pala magsisilbing
alarm clock namin kinabukasan.

V. Trek to Mayo’s Peak : 16 April 2003 (Miyerkules, umaga)

Nagdasal muna ng taimtim bago sinimulan ang lakad. Hindi mawawala ang picture-taking with none other
than idol Manong Lee.


Left to right : Amor, Jigz, Glads, Manong Lee, Josie, Lilian, Carlo, Amang; seated in front Aragorn. Taking
our picture is Carlo.

Sinimulan na namin ang lakad namin. Eto ang bumungad sa amin pagkaraan ng 30 minutos na paglakad.

Hindi masyadong kita yung famous saw-toothed profile gawa ng makapal na ulap. Sana meron ding trail papunta
dito. Hindi ko man lang pala natanong ito sa guide next year, tatanungin ko.

Nung makarating kami ng water sourse, bilin ng guide na magbitbit kami ng tig-3 litrong tubig. Ito na bale
ang last water source. Meron pa sa taas pero dahil summer, natuyuan na siya.

Ang akyat ay parang maihahambing mo sa Banahaw dahil 8 oras din. Hindi pa naman mabato, maraming punongkahoy
which is a good sign dahil ibig sabihin napapangalagaan pa sya ng mabuti.

Ilan sa amin ang nauna na sa grupo. Dinalian na namin para makarating na sa camp 3 dahil gutom na kami. Mga
11 AM na kami andun ni Gladz para makapag-picture taking na. We took time to look around makikita na kasi
dito ng malapitan yung mga ipin ni Guiting-guiting. Mas nakakamangha sya sa malapitan. Berde pa ang bundok at
sana’y manatili syang ganito kaganda.

Sa baba ang aming group picture. Tame pa yan dahil meron kaming isang alam na nagpakuha ng daring na picture.
Ayaw nga lang magkwento nung photographer.

Tignan nyo na lang yung pictures sa baba.

After the picture-taking, we had our lunch. After lunch, mahabang pahinga then larga ulit. Mauubusan na kami
ng tubig kaya nagtagal pa sina Aragorn, Jigs at Carlo sa may bukal. Dahil walang filter, gumawa na lang sila ng
paraan para makasalok sa napakalalim na balon. Yung bukal parang kasing laki lang ng 5 in wafer, wala pang 3
inches ang lalim. Pagka-igib, aantayin ng mga resourceful naming kasama na tumaas ulit ang tubig bago ulit
makasalok. Ganyan katiyaga ang mga kalalakihan ng X’treme. Dahil sa kanila, may pinansaing pa ang grupo.

VI. MAYO’S PEAK : 16 April 2003 (Miyerkules, hapon)

Naki-share kami ng camping site with the Uragons. They were kind enough to give us space. Sa ibang campsite
kasi marami nang naka-reserve. Nahuli yung ibang lalaki dahil nga abala sila sa pag-igib ng tubig. Nung dumating na sila, prepare na kami
ng dinner. Si Kagandahang Lilian ang nagluto di ko na matandaan ang niluto nya pero in fairness nakain naman namin
(read:masarap).

After dinner, ang mga kalalakihan ay naglaro ng baraha sa tent nila. Mukhang bangka si Carlo J dahil
nangingibabaw boses nya. Mga girls naman natulog na. Nung gabing yun may buwan na sumisilip sa mga animo’y patay
na punongkahoy. Mayat-maya ang sipol ng hangin akala mo may bagyo. Mahirap makatulog dahil nga sa ingay. Naalala
ko tuloy ang Mt Malipunyo howling winds din kasi dun.

VII. SUMMIT! 17 April 2003 (Huwebes, 530 umaga)

Had early breakfast dahil aakyat pa kami sa summit. Maliit lang na backpack ang pwedeng dalhin para sa tubig
at trailfood. Started the hike at 530 AM with our guides. The trek going there is not easy dito na nagsisimula
yung challenge talaga. Judge for yourselves kung gaano ka-exciting yung climb papuntang summit. Ga-langgam na lang
ang makikita mo sa mga umaakyat.

Tapos naman, eto na ang rock crawl…. Yung Redemption sa Montalban, pahigain mo lang ng konti eto na sya..

Here’s the closest shot we could take of the saw teeth

After five hours of romancing the stones we reached the summit. We were greeted by the other climbers who got
there ahead of us. Hindi naman sa hindi kami malakas .


Left to right : Carlo R, Gladz (blue shirt), Jigz, Amor, Josie, Lilian, Arnel seated, Carlo J & Amang

Eto po ang summit. Parang wala lang mas exciting pa yung 5 hours na trek paakyat..background lang si Jigs, wag
nyong masydong pansinin ang porma hehehe (CYCLOPS).

VIII. Descent from summit : 17 April 2003 (Huwebes)

After 45 minutes of picture-taking and appreciating the view, we started our descent:

We had a quick lunch at the peak of deception and then started our trek back to base camp. By this time,
mainit na at paubos na ang tubig namin. Lesson learned : magbaon ng maraming tubig at maglagay ng makapal
na sunblock sa mukha. Kaya pagdating namin sa Maynila, nagmukha kaming mga baluga. Nung palapit na kami
sa camp, pinauna namin yung isang guide para kumuha ng tubig.

Nakarating kami sa Mayo’s Peak ng alas 3 na. Mainit ang pakiramdam, gutom at uhaw na uhaw yan
ang makikita mo sa bawat isa. Started descent ng alas 4 ng hapon. Expected na gagabihin kami sa daan.
With little strength left, we carried our bags. Syempre ang iniisip namin may pagkain sa baba. Pangako
kasi ni Mang Doming na meron syang ipapaihaw na tilapya.

Si Kagandahang Lilian ayaw na nya sanang bumaba muna. Gusto nyang magpahinga sa Mayo’s Peak tapos kinabukasan
na lalakad. Ang problema wala na kaming tubig. Mas mahirap magtagal sa taas na walang tubig at pagkain.

Eto ang madugo. Paltos na ang mga paa namin pero sumige pa rin. Bumigay na si Kagandahan at pinaghati-hati na
ang laman ng bag nya. Si Aragorn ang kawawa dahil bukod sa mabigat nyang bag, dala pa nya ang bag ni Lilian.

Nung nakarating na kami sa ilog, ng alas 11 ng gabi, nagpakasawa kami sa malamig na tubig. May ilan nang
naligo. Habang nagpapahinga ang grupo, nauna na kami nina Jigs, Carlo, Aragorn at yung isang guide papunta sa
DENR. Balak naming makitulog dun at sana makakain ng maayos. Nasa isip pa rin namin yung tilapya at beer, hehehe.

IX. DENR : 18 April 2003 (Biyernes, 200 AM)

Pagkaraan ng isang oras na lakad ulit ay nanggising kami ng tricycle driver para dalhin kami sa DENR. Pagdating
dun, sarado na ang office. Dahil likas na makapal kami, ako pala (paminsan-minsan) kinausap ko yung isang
estudyante na gising pa. Sinabi ko na gisingin nya si Mang Doming para makiusap kami na ampunin nya muna kami.

Nagising din sa wakas si Mang Doming . Nagulat sya dahil hindi nya akalain na tototohanin namin
ang pangako naming babalik. Ang ending? Walang natulog gawa ng bumaha na beer at walang paawat na kantahan.
Syempre bida si X’treme Songbird at nabighani ng kanyang boses ang bawat nakarinig sa kanya. Parang
ibong adarna ba. Si Andy, sidekick ni Mang Doming, ay sumama rin sa kantahan. Bumabanat din ng mga kantang
pang-balladeer.

Kung hindi pa nawalan ng kuryente, hindi pa magpapahinga ang videoke ni Mang Doming. Natulog ng konti tapos
kinahapunan naman nagpunta kami ng Lambingan Falls. Hindi na namin ginising si Mang Doming dahil alam naming
pagod na pagod sya’t wala pang tulog na matino. Habang nasa poder kami ni Mang Doming, masasabi naming hindi
nya kami pinabayaan. Mabuhay ka Mang Doming Mayandoc!!!! Mabuhay ka rin Andy R!!!!
Kaya kung makikita nyo naman, mga sabik kami sa tubig. Si Aubrey Miles-Carlo ay pwedeng kunan ng picture ng
nakatalikod parang kuhang pang-FHM

X. BACK TO ROMBLON : 19 April 2003 (Sabado)

Nagpaalam na kami sa isang mabait na kaibigan dahil kelangan nang bumalik sa Maynila. Ayaw sana ni Mang
Doming na umuwi si Golden Voice Gladz at sabi ay ipapa-LBC na lang nya pabalik ng Maynila. Syempre, one for
all and all for one hindi namin pwedeng iwan si kasamang Gladz kahit alam namin na malulungkot si Mang Doming.

Pagdating sa Romblon, wala palang barkong bi-byahe. Nag-reserve na lang ulit kami ng ticket. Ang masaya
nito ay napadpad kami sa tabi ng dagat at dun nag-camp ulit. May mabait na mangingisda na naawa sa amin
(ang dami talagang good samaritan sa Romblon) at inalok kami na sa bahay na lang nila kami tumuloy. Pumunta
kami sa kanila para makilala ang kanyang pamilya. Hindi rin nya kami pinabayaan, tumulong sa aming
mag-ihaw at mag-ayos sa mga gamit namin.

Kinagabihan ay nagkwentuhan sa tabi ng dagat sa lakad naming ito, iba talaga pag ramdam mo na hindi
ka pinapabayaan ng nasa Taas. Feeling nga ni Jigz, ang lakas namin sa Kanya.

XI. BACK TO WHERE WE STARTED, BATANGAS CITY PIER : 20 April 2003 (Linggo)

Masaya kami sa trek na ito. Dream come true para sa ilan sa amin ang marating ang Mt Guiting-guiting.
Bonus talaga yung mga mababait na taong tumulong sa amin. syempre mauulit sana ito.

Next year, maglilibre daw si Manong Lee lahat sagot nya sa pag-akyat sa Mayo’s Peak. kita-kits na lang
sa susunod na akyat sa Halcon, Guiting-guiting o Apo. bahala na. pero sana makasama lahat ng X’treme
para mas masaya . ;-)

J-lah, Salamat sa ambag mo sa ulat kaalaman na ito na pagdating ng araw ay isa nang heritage script ng ating bansa....

Mga Immortals, Salamat sa pagkakaibigan, sa pagsasamahan, at sa masasayang sandali na tayo'y magkakasama. Mabuhay Kayo!