WALANG HANGGANG PAPURI

Comp. by: Bong Rueda

Dec. 1999

 

 

I.

Magpakailan pa man aming papupurihan

At pararangalan ang banal Mong pangalan

Pagpapasalamat Ikaw ay aalayan

Pangako sa Iyo ng Iyong buong bayan

 

II.

Magpakailan pa man ay aming sasambahin

Di magmamaliw at Ika’y darakilain

Aalayan namin ng mga awitin

At ‘di magwawakas Ikaw ay pupurihin

 

CHORUS

Banal Ka, oh Dios walang hanggan ang pag-ibig Mo

At hindi magwawakas ang kadakilaan Mo

Aming sasambahin ang kaluwalhatian Mo

Pangako naming bayang hinirang Mo

 

III.

Di masusuklian ang Iyong kabutihan

At tinawag kami sa ‘Yong katotohanan

Pag-ibig Mo sa ‘min ay walang hangganan

Kaya’t nararapat naming pasalamatan

(REPEAT CHORUS 2X)

 

CODA

Panata naming bayang hinirang Mo