You Know the Prom is Near If...
by Audrey Trinidad

You know the prom is near if...

1. 80% ng mga pinagsasabi niyo sa paaralan ay may koneksyon sa damit, date, corsage at make-up para sa gabing iyon. Amiiinnniiin!!!

2. Nasabi mo na kahit isang beses na: "my gosh, guys, ang lapit na!" Kung hindi naman, ay may pa-countdown pa kayo. As in, "Uy, guys, 17 days na lang!"

3. Pinaplano niyo na ang pre-prom.. Hehe.. Pormal ba, casual... Movie or dinner?

4. Iniisip mo na ang lahat ng masamang bagay na maaari mong gawin sa date mo kung hindi siya makapunta sa pre-prom.

5. Para kayong mga langgam na nakakita ng asukal kung biglang makakita ng prom mag o kahit na anong mag na may magagandang damit.

6. Nakarining ka na ng mga istorya ng mga taong katakut-takot ang kamahalan ng mga gown. Kung hindi naman, tungkol sa mga prom dress disasters na puedeng igawang show entitled "Exposed: When Prom Dresses Go Wrong"

7. Gusto mo nang batukan, sabay tulak ang mga taong paangal-angal dahil hindi sila tinext ni "special someone"

8. Naisip mo na rin kung anong susuotin ng date mo. Magdadala kaya siya ng flowers aside from the corsage? Tama kaya ang kulay ng suit niya? Pero, may karapatan ka kayang sabihin sa kanya kung anong kulay dapat? (Sagot: Oo.)

9. Nag-practice ka na o kaya'y nakakita na ng mga taong nagpa-practice mag-slow dance.

10. Naisip mo na rin kung ano kayang gagwin niyo pagkatapos ng prom at kung PAANO na kapag iuuwi ka na niya. Sapat na ba ang pa-cute na "Um, thank you. I had a really good time." O kakamayan mo ba siya nang parang business deal lang, o kiss sa cheek, sabay squeeze ng hand O.... Tadadan, talagang KISS. Naks. May agimat yatang halo yung cologne niya.

No doubt, the prom is paramount to a lot of us. You have to admit, the prospect of getting all dressed up and made up appeals to you even a little. Even if there is no "kilig" factor present, so what? Date lang siya. Main purpose ay mag-suot ng suit, sunduin ka in style at hawakan ang bag mo. The rest of the night is up to you.

Para sa akin, isang malaking action-comedy ang prom na ito, puro patawa, may action, pag minsan may drama pang konti para believable pero sa kahuli-hulihan ay isang bagay na alam mong puwede mong tandaan at pagtawanan. Para tayong mga Energizer bunny kung pag-usapan ang prom, tila hindi nawawalan ng kuwento, parang hindi nalo-low batt.

Hoy, mga kapatid, malapit na. Ibaba mo muna ang prom mag na hawak mo, carrot stick na kinakain mo at tumigil sa kaaangal tungkol sa waistline mo. Maganda ka, maganda ako (naks), maganda tayong lahat. Prom lang yan, malaking bagay pero ating tandaan... Marami pang mga mas importanteng bagay na pag-iisipan.

BACK