sana…


naglalakad ka sana papunta sa starbucks para bumili ng kape -ang iyong bagong bespren kasama ni Winston reds simula ng iniwan ka niya at pinagpalit sa pandak na yon.

sa di sinasandyang pagkakataon, nakasalubong mo ang friend nya. "hi! antay mo si _ _ _ _ _?" shempre ikaw naman ramdam na ramndam mo ang tibok ng puso mong bigla nalang naging bayolente. "ha? eh… split na kme… tagal na…" tapos titignan ka nya ng parang walang alam. "huuuuuu!!! walang alam… ulul!" sabi mo sa sarili mo. "ah… sorry…" sabay yuko nya na parang nakikiramay. gusto mo na siyang murahin. kasi nga naman, isa siya sa mga taong dapat nakapagsabi sayo na ginagago ka na dati ng gf mo. "so… sino antay mo? may bago ka na bang gf?" shempre kahit gano ka kasingkit, nanglaki ang mga mata mo. "gf? wala! putang ina! pare-parehas lang kayo! bwiset!!!" yan sana ang gusto mong isigaw sa kanya. buti nalang at may yosi ka. kahit papano kalmado ka na. "wala pa." sabi mo sabay buntung-hininga. "ah… okay… sige… una na ko." sabay ngiti at talikod nya. "tang ina mo! tang ina nyo!!! tang ina ng mundong itooooo!!!" yan ang mga linya mo everytime na maaalala o mapapaalala sayo ang mga nangyari sa inyo. sino ba naman kasi ang matutuwa? magdadalawang taon na kayo sana kaso bigla nalang "oooopppssss… teka lang, I think there's something special between us eh…" anak ng patola diba? gumuho ang mundo mo… bigla nalang naging impyerno ang tingin mo sa mundo. sabagay… masisisi ba kita? eh ang saya-saya nyo non nung bigla nalang siyang nakikipag-cool off dahil di kuno ay kailangan nya ng time para sa studies nya.

naalala mo pa ba yon? yung mga sandaling di mo na malaman kung saan mo huhugutin ang lakas mo at talino para maintindihan ang mga dahilan nya sayo? ang mga dahilan nya para lang pakawalan mo siya? ang mga dahilan na kailangan nya para nga naman hindi isipin ng mga tao na niloloko ka nya? mga dahilan na halos ikamatay mo sa tuwing pinapalitan nya ng iba? mga dahilan na pilit mong tinatanggap at iniintindi hanggang ngayon na limang buwan na kayong wala? mga dahilan… putang inang dahilan yan diba? sana… sana sinabi nalang nya ng direct na "sorry _ _ _, nabighani kasi ako sa classmate kong mayaman na binigyan ako ng CD eh." edi sana… naintindihan mo pa… edi sana hindi ka nagmukhang tanga na pinipilit ang sariling gumawa ng excuse para lang maintindihan mo siya.

tang ina… biruin mo yon… perfect femme siya noon. umiikot ang mundo mo dahil sa kanya. feeling mo, holding hands kayong naglalakad sa kalsada na hindi mo alam at wala kang pakialam kung papuntang saan. basta kayo magkasama, holding hands… tapos bigla ka nalang niyang iniwanan. ngayon eto ka, nakatayo sa gitna ng kalsadang hindi mo alam kung papunta saan. hindi mo alam kung pano ka makakabalik… kung pano ka ngayon… ngayon na iniwan ka na niya. tapos naiisip mo ngayon "ano bang ginawa ko at nagkaganto?" hay nako pare… nakalimutan mo na ba? sinagot na nya yung tanong na yan ah! sabi nya "nagtatanong ka pa? malamang karma mo!" natigilan ka nalang… kasi oo nga naman. karma mo. di ka naman santo… nakasakit ka din naman ng iba. mapapabuntong-hininga ka nalang sabay sindi ng yosi. "poooooootaaaaaaaaa talaga…" yan na lang ang nasabi mo.

minsan gusto mong balatan ng buhay si _ _ _, yung pandak na pinagpalit nya sayo. bwiset talaga… di mo lubos maisip kung bakit at ano ba ang nakita nya don sa hinayupak na yon. what you guys had was perfect diba? well… at least for you. malay mo nga naman na hindi na pala siya masaya sayo? at some point, baka nga may dahilan. baka nga there's something special dun sa taong yon. or kung wala naman, siguro magaling lang tagala siyang manulot at tanga ang ex-gf mo dahil nagpadala siya don sa hayop na yon. hehehe…

wala ng plastikan, alam natin na sa isang banda gusto mong sigawan ang ex-gf mo: "pagsisisihan mo to! sana hindi ka maging masaya, tang ina ka!" pero some part of you wishes… "sana maging masaya siya…" takot mo lang na baka mamaya, magkaletche-letche nga ang buhay nya dahil sa sumpa mo eh karmahin ka pa. hehehe… pero amongst all your wishes, isa lang ang gusto mo talaga "sana sa susunod, wala ng gaguhan…"

hindi mo rin maitatanggi ang mga ka-bitter-an mo. hahaha… yung mga taong humihingi sayo ng advice na binabara mo lang. tanong nila "pare, ano gagawin ko? mahal ko siya eh…" sagot mo "tang ina! iwan mo! magsi-split din naman kayo in the end eh. pero di ka dapat mag worry kasi pag may nawawala sa buhay naten, may binibigay na kapalit, yung mas okay pa kesa sa dati. yun na nga lang, magsi-split din kayo non tapos dahil sa mas okay yon, mas masakit pa sa ngayon ang mararamdaman mo pag nag split na kayo." at dahil jan, wala nang taong humihingi sayo ng advice, di kagaya dati. natatawa ka na rin minsan kasi tuwing may nakikita kang mga lovers, gusto mo silang lapitan at sabihin na "sige… magpakasaya kayo… namnamin nyo na ang bawat sandali na masaya kayo kasi… MAG BE-BREAK DIN KAYO, TANG INA NYOOOOO…" hahaha… bakit ba? eh sa totoo naman eh diba?

ang bitter mo, pare. yun ang sabi ng mga tao sayo. sino ba naman kasi ang hindi magsasabi non eh bigla nalang naging 'fuck you world' ang motto mo? si marilyn manson na ngayon ang idol mo. bigla ka nalang naging fascinated sa mga 'pipe bombs' na gusto mong isuksuok sa tambutso ng sasakyan nung pandak na yon kasi gusto mo silang mawala sa mundong to. oo tama… sila… siya at ang ex-gf mo. alam kaya nila kung gano kasakit ang ginawa nila sayo? siguro hinde. kasi kung oo, dapat matagal na silang naglalakad ng paluhod sa sta.clara habang nagaalay ng itlog dahil kung pwede ka lang maging diyos, tinitiyak kong kawawang nilalang na sila ngayon. buti nalang hindi pwede noh? kasi sigurado din ako na pag nakita mong nahihirapan ang ex-gf mo… alam kong hindi mo matitiis at pasasabugin mo lang ang mundo para mawakasan ang paghihirap niya… niya, hindi kasama ang pandak na yon. paki mo ba sa ahas na yon diba? masunog pa siya ng buhay, tang ina nya! face it, kahit ginago ka niya at iniwan sa ere… hindi mo pa rin maitatanggi na may pakialam ka pa rin sa kanya…

nakita mo siya na tumatawid, sasakay ng jeep sa aurora blvd. nagulat ka. sino ba naman kasi ang di magugulat eh halos 4 na buwan mo na din siyang hindi nakikita. as if naman kasing gusto mo nga siyang Makita! hehehe… natigilan ka non. pano kasi buong araw mo siyang iniisip nung araw na yon tapos bigla nalang siyang sumulpot. iniisip mo kasi kung bakit? bakit pinagpalit ka nya? bakit pinagpalit nya ang pagsasama nyo nang ganun-ganun lang? napangiti ka nalang diba? kasi nung nakita mo siya, nasagot ang tanong mo. ndi nga lang eksaktong sagot pero at least… may sagot. 'pinasaya din naman nya ko noon eh… ayos na yon…"

so ngayon, kapiling mo ang iyong isang kahang Winston reds at isang grande na iced coffee… hithit… buga ng konti sa bibig, labas ang iba sa ilong… higop ng kape sabay tingin sa kahabaan ng katipunan. ang masasabi mo lang "haaaaaaaaiiii… sana sa susunod, wala nang gaguhan…"