April Fools

Umagang-umaga pa lang tumutunog na ang phone kong nokia 3315 na katabi kong natulog nung gabing iyon. Hindi naman ako usually natutulog ng katabi ang phone ko dahil sa takot kong magka-cancer. nung umagang yon bibong-bibo ang gasgas kong keypad sa kakatext back sa mga taong nag text sken. shet tsong, kahit gaganon-ganon lang yung teleponong yon, mahal ko yon. dugo, pawis, pagod, hirap ang katumbas nung teleponong yon... kahit 4T nalang ata ang bentahan non ngayon.

anyway, dahil nga sa planong pang gagago namin ni haidz sa mga magaganda naming pwends na sina ophel at esay, excited na ko. April Fools ang isa sa mga paborito naming markahan sa kalendaryo. Lalo na ngayon na matagal naming pinrepare ang plan namen. Gumawa pa ko ng banner... at take note, masterpiece ang banner ko. May gupit-gupit pa sa magazine akong na nalalaman! tapos nag design pa ko sa background ng mga bilog-bilog using colored pencils na pink and blue. sa makatwid, pinag hirapan ko talaga yung maliit na banner na yon.

aga kong naligo non. sabi ng nanay ko: "aalis ka na naman noh?" sabi ko, "bakit?". sinagot ako ng nanay ko nang para bang with full confidence ang facial expression nya: "eh pano kasi hindi ka naman maliligo kung hindi ka aalis." natawa ko. grabe naman yon! kung hindi ako aalis, gabi na ko maliligo. kinorek ko sya sa isip ko. sinuot ko ang matagal ko nang hindi sinusuot na t-shirt na color brown at ang favorite pants kong kulay green. natawa ko sa sarili ko sabay hirit, "Uniform?". Dahil sa 3PM pa naman ang usapan namin ni Haidz tumambay muna ko sa livingroom, nakikipag kwentuhan sa mga magulang ko. Masarap kakwentuhan ang mga magulang ko. Hindi sila ganon kapormal at strikto. topic namen ay ang mga taong nag buwis ng kanilang buhay para sa kanilang mga cellphone at si ophel at ang kanyang misis na tumalon mula sa bintana ng jeep sa may aurora market para makatakas sa holdapan sa jeep na sinasakyan nila. naisip ko biglang iwanan ang phone ko... pero shempre, kena ophel lang naman ako pupunta eh. malapit lang yon! inatake ko ng pagkakuripot ko kaya naisip kong mas makakamura ako kung sasakay ako ng papuntang cubao... kwatro, bababa sa katipunan at sasakay ng jeep papuntang cainta... kwatro ulet. tapos sasakay ng tric papasok sa village nila... otso. 16 pesos. laking mura! kaya iyon nga ang ginawa ni kit-kot kuripot.

sumakay ng jeep papuntang cubao, bumaba sa katipunan. specifically, sa tapat ng jollibee na katabi ng aming alma mater, sbs. tumawid at nag aantay ng jeep patungong junction. maaraw non pero ok lang... kung umitim, edi mag ki-kissa nalang ako. finally! nakasakay din ako ng jeep. yun na nga lang, siksikan. inuusisa nung dalawang lalake yung katabi kong mama na may dalang isang balde ng isda. at doon ko na naramdaman ang nag uumpisang pangyayari. yung katabi ko sa left side ko, na isang mama na naka horizontal striped na black and white na may design na flower buds ay nag gagagalaw sa hindi ko malamang movement. fine, siksikan sa jeep pero hindi normal ang galaw nya. aba! eh para syang nang a-ano ng paupo ah! tapos naramdaman ko na ang pag galaw nya sa bulsa ko. hooooooookeeeeeey.

tinignan ko ang talipandas na mandurukot. matanda na sya... malamang mas matanda sya sa tatay ko. nakatago ang left hand nya sa ilalim ng black nyang cloth envelope. paktay na... iniisip ko, maliit naman yung mamang yon upakan ko kaya? sisiw lang naman yon. kaso bago ko pa sya mabrutal, yung dalawang mama na nasa harap ko pinag pipilitan na pulutin ko yung pooootang inang 25 centavos nila na nasa ilalim ng upuan ko. napasigaw ako, "SANDALI!". Sinita ko na yung mamang katabi ko, sabi ko "Manong Cellphone ko." Sabay hirit nung dalawang mama na yung cellphone ko daw, nalaglag sa katipunan nung pasakay ako. ANO KO TANGA?!? ANO BA ANG CELLPHONE KO? PAPEL? MALALAGLAG NG WALANG TUNOG?!? MALALAGLAG NG HINDI KO NARARAMDAMAN?!? POOOOTANG INA!

Bigalng pumara yung mamang mandurukot, kasabay ang 1 matangkad na lalakeng naka-green at yung dalawang mama na nasa tapat ko. ang pakay ko, sundan ang kupal na mandurukot. kaso eto na ang dalawang mama na hinihila ko at sinasabing bumalik kme ng katipunan, take note PATAKBO sa kahabaan ng marcos highway. Suuuuuuuuuuure helpful sila. ganon sila ka-helpful. OBVIOUS NAMAN NA ACCOMPLICE SILA! hindi na ko gumalaw tinignan ko silang maigi... distraction ang tactic nila. Gusto kong lumaban kaso naisip ko ang sabi ng tatay ko nung umagang yon, "Pag hinoldap ka, ibigay mo na cellphone at baka masaksak ka pa." Apat sila... mag isa lang ako. nasa kahabaan ng marcos highway sa patay na oras. walang tatakbuhan... walang hihingan ng tulong. hanggang sa namaalam ang 'suuuuuure, matulungin talaga kayo' na mga mama. sabi nila maabala na daw sila. by that time, wala na yung talipandas na mandurukot at yung matangkad na kadamay nila. sumakay ng jeep yung dalawang matulungin-kuno na mama kaya nag decide ako na sumakay din don sa jeep na yon. susundan ko sila. tititigan ko ang mga pag mumukha nila. the whole time, nakatitig lang ako sa kanila... sa damit na suot nila [puting polo shirt na may green line sa collar, maong pants. yung isa naman naka white na polo na may puting t-shirt sa loob], sa sapatos nila [naka-leather na brown moccasin type tapos yung isa naka-fake na adidas na sneakers na kulay puti na may stripe na light grey sa gilid]... bumaba sila bago makarating sa may ligaya. ako naman bumaba sa may banda don din nung may nakita kong mobile ng pulis. humingi ako ng tulong.

binalikan namin ang mga lugar na dinaanan namin. ang katipunan, kahabaan ng marcos highway... ultimong sta.lu at metro east pero wala na. hindi na namin sila nakita. nag bilin ako sa mga pulis na kasama ko non, "pag nahuli nyo po, paki basag ang mukha." natawa sila sabay sabi, "madaming babasag sa mukha non. gusto mo patayin pa namin eh." at sa isip ko, hindi lang basta-basta patay ang gusto ko. torture.

ang ending, nakaupo ako sa front porch nina ophel, umiiyak. kino-comfort nila habang ang banner ko ng april fools ay nakaharap saken na para bang nangungutiya. Happy April Fools Day. Good bye, 0916-3926688. paalam sa 3 taon kong sim card... paalam sa aking cellphone. at higit sa lahat, sana lahat ng mga mag nanakaw at ang buong lahi nila masagasaan ng rumaragasang truck, magkadurog-durog ang bungo at buto, lumabas ang lamang-loob, magkalasug-lasog ang laman at mag kasabug-sabog sa kalsada ang utak.