091803

haaiii... ikaw talaga. wala ka ng ibang ginawa saken kundi guluhin ang mundo ko. tatlong sems mo na rin akong pinahihirapan ah! dadaan ka sa harap ko ng cool na cool. hayop ka! bakit mo ba ko tinotorture?!? minsan gusto kitang lapitan pag mag-isa ka. gusto ko kasing alamin ang pangalan mo. pero shempre... pano? san ako huhugot ng lakas ng loob eh torpe nga ako... kaya eto kuntento nalang ako sa mga nakaw na tingin ko. sa pag iisip araw-araw kung ano kaya ang pangalan mo.

buti na lang at may nag malasakit sa akin na friend ko. nangahas siyang lapitan ka at alamin ang pangalan mo. dun ko nalaman na joan pala ang pangalan mo. nak ng teteng! ka-simple at ordinaryong pangalan pero tatlong sems bago ko nalaman. umiral ang pag katorpe ko. imbis na lumapit sayo eh kumaripas ako ng takbo. hinarang ako ng isa ko pang kaibigan at kinaladkad ako papalapit sa inyo. hiyang-hiya ako sayo non. feeling ko nag mistulang apple ako sa harap mo. buti na lang at mabait ka. hindi mo ko pinahiya... nag 'hello' ka sa akin at tinanong mo rin ang name ko. HUWAW! kinausap mo ko!!! grabe... sa sobrang katorpehan ko, nag tago ako sa likod ng friend ko habang pinakikilala tayo sa isa't-isa. pero kahit na ganon ang nangyari masaya pa rin ako. simula nga non, wala na kong ibang sinulat kundi ang pangalan mo... joan.

pinagtatawanan na nga ako ng barkada ko eh. bakit ba daw ang torpe-torpe ko. sabi ko 'yabang nyo! kayo kaya mapunta sa situation ko, tignan ko lang kung makalapit kayo!' tang ina... alam ko ang pathetic ko. 'hi' lang hindi ko pa magawa. kung sa bagay, tumingin nga sayo sa tuwing mag kakasalubong tayo eh pahirapan na... yun pa kayang kausapin kita? pero okay lang din. masaya na naman ako kahit bag mo lang ang makita ko eh. makita ko lang ang likod mo heaven na heaven na ko. side view mo HUWAW grabe! nagiging slow motion na ang mundo ko. at kung minsan pag hindi ako nakapagtago sa likod ng poste pag mag kakasalubong tayo, UY! face-to-face yon!!! SIYET! mang lilibre na ko non! hahaha... pero wag mo namang isipin na namumulubi na ko dahil sa kakalibre ko sa mga friends ko. kasi sa loob ng tatlong sem, siguro mga sampung beses pa lang kitang nakakaharap -kasama pa don yung araw na pinakilala tayo sa isa't-isa.

bell na! nag kakanda-duling na ko sa kakatingin sa mga dumadaan. baka kasi dumaan ka eh sayang baka hindi kita makita. makita... oo. tingin lang. hindi ko pa kasi talaga kayang mag 'hi' sayo. pathetic noh? ilang linggo na ang nakalipas mula ng nag kakilala tayo pero ni-lapit o tingin sayo ng harapan hindi ko pa rin magawa. haaaiii... sana next week makalapit na ako sayo at makapag 'hi'. yung hindi nakayuko ha... tsaka sana by the time na magawa ko yon, naaalala mo pa rin ang pangalan ko.