Nora Aunor Tribute Website
1991 STAR Awards Tribute to Movie Queens
Ang igorota sa alamat ng Banaue, ang bilanggong nagdadalantao sa Bulaklak sa City Jail, ang NPA na nawalay sa kadugo sa Andrea. Ilan lamang sa iba't ibang Nora Aunor na habang buhay ng nakaukit sa ating puso't isipan. Mahirap maisip na isang morenang probinsiyana na tindera lamang ng tubig sa tren ang bubuwag sa tradisyon ng mestisang aktres sa pinilakang tabing. Phenomenal nga ang pagsikat ni Nora sa kanyang mundong patuloy na lumawak. Sa recording, ang Pearly Shells ay tinuturing na isa sa all-time chartbusters sa local recording. Sa telebisyon, ang Superstar ay hinirang na longest running musical of all time. Sa ibang bansa, ipinagbunyi ang Himala sa Berlin at ang Bona sa Cannes. Marami'ng bituin pero iisa lamang ang Superstar, Nora Aunor

Click here to watch a video clip of the The Greatest Performance Medley as posted on You Tube.