OCTOBER 2003 VOL 1. NO.1
   

“CARLOS sa KONGRESO”
Nag-deliver si KON. LEA CARLOS ng privilege speech kamakailan sa sesyon ng City Council at nakiusap na sana ay matigil na ang mga intrigang pulitikal sa kanilang mag-asawa.

Mahirap pigilan ang mga ganitong usapan, sapagkat mismong ang kanyang asawa, si ALEX “BODJIE” CARLOS, ay nagpahayag na may ambisyon siyang kumandidatong Congressman sa 2004. KARAGDAGAN PA RITO ANG PAGKAKASANGKOT NI CARLOS SA JOSE PIDAL ISSUE na bumangga sa interes ng kampo nina MCF.

Sa ganitong sitwasyon, sadyang magkakaroon ng mga intriga, dahil direkta nilang babanggain si Congressman DEL DE GUZMAN at si ex-Councilor MARCY TEODORO, na nagsumite rin ng kanyang intensyong kumandidato sa parehong posisyon.

Sang-ayon sa mga pulitiko, ang posibleng mangyayari ay, kakandidato si ALEX sa 2004 sa partido LDP (Dr. Rene Cheng) at PMP (Kon. Tito Ortiz). Malamang makakampi nina ALEX at LEA sina Kon. FABIAN CADIZ, Kon. JAIME TIBURCIO, Kap. BODJIE BERNARDINO, ilang Barangay Officials at maraming lider pulitikal, na hindi mabigyan puwang ang mga ambisyon sa KABAYANI.

“DEL, MARION, LAKAS-CMD HIHIWALAY!”
Kung hindi mareremedyuhan ang mga intriga sa pagitan nina MCF at DEL ay malamang mauwi ito sa tuluyang paghihiwalay ng kani-kanilang mga partido sa 2004.
Ang pangunahing dahilan ng intriga ay ang interes ni MARCY TEODORO na kumandidatong Congressman at ni BOY “Bolok” SANTOS bilang Vice-Mayor. Normal lamang na ma-intriga sina DEL at Bise-MARION dahil wala naman silang naririnig mula kay MCF na pinagsabihan ang dalawang aspirante na magparaya muna sa kanila bilang incumbents. Kamakailan, ay nag-walkout si Bise-Marion at mga kakampi niyang konsehal sa sesyon dahil sa tingin nila ay binastos sila ni MCF sa hindi pagpapaalam ng paglipat ng MSO sa kanilang session hall.

Karagdagang sanhi ay magkahiwalay ang partido nina MCF, na KABAYANI, at LAKAS-CMD naman sina DEL at MARION. Nakabigat pa sa nasabing isyu ang pagkakabinbin ng aplikasyon bilang aspirante ni BF sa LAKAS-CMD at planong pagkandidatong bise-presidente, na independiente o kay Sen. Lacson.
At kamakailan nga ay sumambulat pa ang pahayag ni ALEX CARLOS na kakandidatong Kongresista at ang malamang na paghihiwalay ng kanilang grupo sa KABAYANI at LAKAS-CMD!.

Sa ganitong posibilidad, ay malamang sumama kina DEL at MARION sa paghiwalay sa KABAYANI, sina Kon. FERDIE MARCO, SK Federation President KHAYE MARCO, ilang Barangay Captains, Kgwd. VIC SABENIANO at KABAKA, (mga Barangay Kagawad) at mga lider pulitikal ng Concepcion I, Sto. Niño at Calumpang.
Mayroon ng mga pagtatangka upang maghanap ng itatakbong Mayor ang naturang partido, kung sakali man, at ang mga pinupuntirya ay sina DANDY GOMEZ o si DEL DE GUZMAN!

Sa ganitong situwasyon ay mabibiyak sa tatlong (3) bloke ang partido ng administrasyon patungo sa 2004 elections.

“BOY SESENG KAY DANDING!”
Hayagang ipinamamalita ni Boy “Seseng” delos Angeles, na kapag kumandidato sa panguluhan ng Pilipinas si Ambassador Danding Cojuangco, ay ito ang kanyang susuportahan at kakandidato siya ulit na Kongresista ng Marikina sa ilalim ng partido NPC! Karagdagang pahayag ni Boy “Seseng” na si Sen. Loren Legarda ang kanya, at ng buong angkan ng Guevara sa Marikina, ang tutulungang kandidato sa Bise-Presidente dahil kamag-anak nila ito.