Kaliwete


Noong nagsama tayo 
Ay kanan nang ginamit mo 
Ngunit biglang naturete 
Ikaw pala ay kaliwete 

Sunod-sunod na kamalasan ang dumating 
Hindi ko na malaman kung paano ang gagawin 
Sabi naman ni Rico J. Puno 
Mag-ayos lang daw ng upo 

Niyaya niya kami sa kubeta 
Mata ay lumuwa sa nakita 
O bakit ba ganyan 
Buhay ng tao 
Mag-ingat ka na lang 
Baka ikaw ay ma-karma oh 

Niyaya ko siyang lumabas kahapon ngunit ayaw niya 
Hindi niya raw mahanap ang kapares ng bra niya 
Sampung oras ka kung maligo 
Pati ang kaluluwa mo'y babango 

Niyaya niya kami sa kubeta 
Mata ay lumuwa sa nakita 
O bakit pa ba may kulay ang tao 
Hindi mo na alam 
Kung anu-ano at sinu-sino 

Noong nagsama tayo 
Ay kana ang ginamit mo 
Ngunit biglang naturete 

Ikaw pala ay kaliwete