BAHALA NA
likhang-awit ni Heber Bartolome
 

Bahala na
Yan ang sabi ng isang Filipina
Bago sya nagpaalam papunta sa bansang iba
Ang sabi nya--- Bahala na…Bahala na
Mga ariarian ay naisanla
Milyon-milyong katulad nyang mga manggagawa
Hangad nila’y---guminhawa
Guminhawa.

Koro
Bahala nang pamilya kong maiiwan sa bayan ko
Mabubuhay naman sila, hanggang sa unang sweldo ko
Bahala na…Bahala na…Bahala na………….

(instrumental)

Koda:
Dakilang Maylikha, ako’y nagdarasal sa’yo
Bahala na kayong pumatnubay sa biyahe ko
Ang tanging nais ko’y buhayin ang pamilya ko
Bahala na kayo sa manggagawang katulad ko
Bahala na

Baka naman sakaling swertihin ako
Sariling buhay at lakas na syang puhunan ko
Iaalay sa bayan ko
Bahala na.

Ulitin ang Koro
(instrumental)
 

Heber Bartolome
Tandang Sora, QC