» Midnight Phantom
TEASER:

Si Brandon Brazil - ang Midnight Phantom. Isang guwapong DJ. Magnificently male. With a voice that would make a nice girl go bad. Subalit patuloy na nakakulong sa babae ng kahapon.

The women:
Si Anya - ang thirty-nine year-old stepmother. Kasalanan ba niya kung bakit nanatiling may poot sa dibdib ang Midnight Phantom? Ano ang lihim ng kaniyang pagkatao?

Si Nadja - Ang magandang stepdaughter who fell in love with the voice of the Phantom. Hinangad na makatagpo ito sa kabila ng hindi ito nakikiharap sa mga adoring fans. Pinagbigyan siya ng DJ at dinala sa Phantom Island. Isang disimuladong kidnapping.

Silang tatlo, caught in a web of love, deceit and vengeance.

Published by: Precious Pages Corporation
*Cover submitted by Tere; teaser by Tere and Mark.
» Impostor
TEASER:

Bago siya nawalan ng malay ay si Divina Ventura siya. A twenty-year old student. Nang muli siyang magmulat ng mga mata'y siya na si Mariz Florencio. Twenty nine and married to a famous and handsome businessman, Jason Florencio. At tinaglay niya ang pinakamagandang mukhang nasilayan niya. At ang lalaking ninais niyang hangaan ang kagandahan ng mukha niya'y kinasusuklaman siya.

Hindi siya maaaring manatiling asawa ni Jason dahil nakatakda siyang idiborsiyo nito. At lalong hindi siya maaaring bumalik bilang si Divina Ventura dahil taglay niya ang mukha ni Mariz Florencio. Kasamang namatay ng tunay na Mariz ang mukha ni Divina. Kaninong identity ang tataglayin niya?

Published by: Precious Pages Corporation
*Cover submitted by Che (Michelle); teaser by Mark.
» Sinner or Saint
TEASER:

Pagkatapos ng dalawang disastrous relationship, ipinangako ni Lilia sa sariling ang pakikipag-boyfriend ang kahuli-hulihang maaari niyang isipin. Hanggang sa makilala niya si Vince Cortez, her ex-fiance's brother. Tall, mysterious, and good-looking. He abducted her, insulted her, humiliated her. "I wouldn't dare touch
you, kahit ikaw na lang ang huling babae sa lupa." Iyon ang sabi nito sa kanya.

But why the marriage proposal?

Published by: Precious Pages Corporation
*Cover submitted by Ruth-An; teaser by Brenda.
» Iniibig kita... Mahirap Bang Sabihin Iyon?
TEASER:

Her life was complete and satisfied. Iyon ang mantra na laging inuusal ni Larissa sa sarili. Kung physical attributes ang pag-uusapan, she deserved a second look. Men came and then were gone. Wala siyang seryosong relasyon dahil sa sandaling makakita siya ng kahit bahagyang maipipintas sa boyfriend ay agad niyang tinatapos ang hindi pa man nagkakaugat na relasyon.

Until Jack. Isang cowboy sa Ilocandia. Gorgeous ands sexy. At marami siyang maipipintas dito. Isa na rito ay hindi gustong bigkasin ng lalaki ang salitang mahal siya nito. And yet he wanted to marry her for a reason. And she found out she loved this imperfect man. At hindi niya gustong pakawalan ito sa kabila ng wala namang relasyong tatapusin.

Published by: Precious Pages Corporation
*cover submitted by Ruth-Ann; teaser by Brenda.
» Marry me Stranger
TEASER:

Desperado ang lolo niyang magpakasal siya sa isang malayong kamag-anak upang mapanatili ang linya ng kanilang angkan. Kung hindi gagawin ni Joanna iyon ay ang lolo niya mismo ang magpapakasal sa nurse nito at ipamana rito ang Villa de Vierre na tatlong henerasyon nang pag-aari ng kanilang angkan.

Gagawin niya ang lahat huwag lamang mawala sa angkan niya ang villa kahit na bayaran niya ang isang estranghero upang magpanggap na asawa niya. But when things didn't work to her advantage, she offered the handsome stranger half of her inheritance, pakasalan lamang siya nito nang totoo. She gambled everything, including her heart.

Published by: Precious Pages Corporation
*Cover submitted by Che; Teaser by Brenda.