ðHgeocities.com/collectionsss/PlatonicIsCool.htmlgeocities.com/collectionsss/PlatonicIsCool.htmldelayedxªmÔJÿÿÿÿÿÿÿÿÿÿÿÿÿÿÿÿÿÿÿÿÈ’•¤OKtext/htmlÐûuá:¤ÿÿÿÿb‰.HSun, 07 Sep 2003 11:01:12 GMT¦Mozilla/4.5 (compatible; HTTrack 3.0x; Windows 98)en, *ªmÔJ¤ PlatonicIsCool
PLATONIC IS COOL

Message
Dati mo na syang kakilala. Lumalabas kayo pero hindi date yun ha. Wala
lang.kain lang sa labas, kwentuhan lang. Walang katapusang kakatext. Namumulubi
ka na nga kasi magka-iba ang provider nyo. Naiirita ka kung ang tagal ng
reply nya, kaya kahit alam mong wala ka pang pambili ng load tatawagan mo
sya. Napipikon ka na sa provider mo kaya para masaya,nagpa-sim swap ka. Pag
malungkot ka, bad trip, naiirita kahit pa ata bente pesos na lang yung
natitirang load mo, tatawagan mo sya. Wala lang. Basta ang alam mo lang you
want that person to be there with you.

Emote! Naguguluhan ka. Hindi kasi sya katropa. Conflicting ang interest nya
tsaka ng mga friends mo. Pero kapag niyaya ka nya kahit na sino pang
magtampo sasama ka.Then, nagkatampuhan kayo. Hindi mo na sya kinausap at
pinanindigan naman ng loko. Hurt ka syempre. INIYAKAN MO, ITINULOG,
IKINAIN.Pero NANGITIAN KA LANG OK NA. Ngayon magkasama na kayo ulit. As if
naman may choice ka. Kahit ayaw mo kunyari wala ka namang magagawa.
Tamang-tama broken-hearted ka. Litong-lito. Since ok na kayo,lumalabas ulit
kayo. Gaya ng dati, wala lang kain lang ulit sa labas,kwentuhan. Ngayon mas
kilala nyo na ang isa't-isa. Alam na nya halos lahat ng tungkol sa'yo.

Alam nyo kung bad trip ang isat-isa. Alam nyo kung nalulungkot o nag-eemote
yung isa. You still have your misunderstanding tsaka tampuhan pero this
time after the tampuhan, syemps babawi na kayo sa isat-isa. Sweet nyo noh? Grabe
na ito! Takbuhan mo na sya ngayon kung may problema ka. Naikwento mo na
lahat ng sama ng loob mo, mga bagay na hindi mo masabi dun sa lalaking
iniyakan mo. Unang-una dahil iba ang kasama nya at hindi mo sya makausap ng
matino.Bukod pa dun sa parati na lang kayong nag-aaway nung iniyakan mo pag
nag-uusap kayo.

Pero this one,comfortable ang feeling nyo with each other. Sweet kayo kahit
para syo hindi. You actually have your breakfast together at hindi lang
yun,
you share the same cup of coffee pa. Pinagtitimpla mo sya ng coffee at
ginagawa mo para sa kanya yung hindi mo magawa para dun sa iniiyakan mong
may kasamang iba.

RING!!!! Oops phone call para sa kanya. siginificant other nya. Bakit ka
namumula? Magpaapekto ba. Selos ka noh? BAKIT. KAYO BA??? Hindi naman diba!
Concentrate. Deep breathing..... Inhale.... Exhale..... Kaya mo yan.
Focus.Try to look back. Ano ang nakikita mo? Sino ang iniisip mo? SIYA.
Hindi ba dapat yung iniiyakan mo nung nakaraang buwan lang? Syet! You are
starting to realize how cool this person is. Syeter! You are beginning to
doubt you're feelings dun sa sinabihan mong mahal mo. Syetest! Pero knowing

you, idedeny mo na you are actually starting to feel something for this
person. What 'dja gonna do? But of course, alamin mo kung friends lang ba
kayo.How the hell are you going to find out? Aha! Go to the person and ask
it right to their face. "Gusto mo ba ako?" Grabe, as if puwede.Do you have
the guts to do it? Do it. I'm right behind you, theoretically speaking.
Eniwey, you still have the option of whether you would like to know or not.
Think. Think hard. Super malambing siya sa iyo pero... Alam mo naman na
ganun din sya sa iba. Eh wala naman palang problema eh! Eh bat ka pa
apektado????

Sabagay hindi kita masisi kung bakit. Lalo na nung he starts humming love
songs (pamilyar di ba? parang yung kakilala mo.), starts asking you funny
questions. Like... "What would you do if a guy na hindi mo masyado kilala
asks you out for a date?"Ikaw pa ang tinanong. Eh di ba sumama ka nga sa
kanya. Remember...nag-aalangan ka pa nga nun kze hindi mo pa sya ganun
kakilala. Kung sino-sino na nga binulabog mo para pagtanungan kung papayag
ka. Now he starts asking you about certain situations. "Pano kung niyaya
kang manood ng sine at hinawakan ang kamay mo. Ano daw ang reaksyon mo?"

Sabay patong ng kamay nya sa kamay mo. Dramatization kung baga. Nanlalamig
ka at kinakabahan, hindi dahil sa tanong syempre noh.Yun na yun.Sinagot mo
syempre. Sabi mo tatanungin mo kung para san yun syempre. "Eh pano kung
hinawakan na talaga?" Sabay hawak sa kamay mo, holding hands na this time.
Syempre nanlalamig ka na at ninenerbyos. Sabi mo, "ok lang magkaibigan
naman ata sila eh". "Eh pano kung I-kiss ka?" Sabi mo, "What for?" Thank you daw
for the wonderful evening..ek ek.Sabi mo "Ah ok....basta sa pisngi lang ha.
Kasi pag sa lips na masyado nang intimate yun. di ba?" Eh pano daw kung
hindi nagpaalam tapos kiniss ka sa lips? Stolen kiss daw. "Aba loko noh?!

As if naman merong magtatangka".Then he answers you "Ako, I would!"
SOOOOOOWWWWWSSSSSSS !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Tapos nanood na nga kayo
ng sine.Medyo biyolente yung eksena. Takot ka syempre. tinatakpan mo yung
mata mo ng kamay mo. Inaalis naman nya. Kinakagat mo yung mga kuko mo.
Inaalis pa rin nya yung kamay mo. Kinuha nya tapos pinatong nya yung braso
nya para hindi mo na makuha. Ayaw mong paawat kaya yung kanan naman. Sumuko
binitiwan yung kaliwang kamay mo.Kinagat mo ulit yung kuko mo sa daliri mo
kze natatakot ka. Kinuha nya ulit yung kamay mo. Hindi rin makulit no? Agaw
trip ba? Akala mo hahawakan lang.Abaang loko, nakikagat sa kuko mo.

Ano ba yan????? NO MALICE???? NO MALICE.... Ang gulo noh????Tutuksuhin ka
dun sa lalaking sinabi mong mahal mo. Titingnan yung reaksyon mo.Pag ikaw
naman ang kusang nagkwento, iirapan ka tapos tatalikuran na. PAMBIHIRA.

Men..... Hayaan daw syang tumulong para makalimutan mo na yung lalaking
iniiyakan mo. Feel mo nagbibiro lang..... hmmmm nagbibiro nga lang ba? Ayaw
mong bigyan ng malisya lahat ng nagyayari sa inyo kasi magkaibigan kayo
tsaka alam naman nya na inlove ka. Pa rin? Eh bat ka nalilito ngayon kung
mahal mo nga yung sinabihan mong mahal mo. Mahal mo pa nga ba???

Eh ba't hindi mo na masagot yan ngayon? Ano akala ko ko ba dati mas
pipiliin mo yung lalaking mahal mo. Eh bat nag-iba ata ang ihip ng hangin. Mas gusto
mo na ngayon yung mahal ka. Hindi lang sa salita kundi sa gawa. WALA LANG
TALAGA YANG LAGAY NA YAN HA??? AAWW SHUT UP