MAGKATULAD NA TRAHEDYA SA CAVITE AT CABANATUAN


 

Daniel Mendoza Anciano

Sa mga mahilig sumubaybay sa mga pangyayari at kasaysayan ng bansang Estados Unidos ng Amerika (USA), ang malagim na kamatayan ng kanilang pangulong sina Lincoln at Kennedy ay parang  sinasadya  ng  mga  pagkakataon dahilan sa mga  pagkakatulad  ng  mga detalye  sa kanilang buhay at sa panahon ng asasinasyon ng  dalawang pangulo. Marami parin ang nag-iisip kung papaano ito  nagkaganoon. Sa  kabilang dako, hindi na pala tayo dapat tumingin  pa  sa kaso  nina Lincoln at Kennedy ng Estados Unidos para sa  ganitong magkakatulad  ng  insidente  ng asasinasyon  mayroon  din  tayong ganitong penomena na natala sa kasaysayan ng Pilipinas.

Panahon na para mapuna na ang kamatayan ng dalawang bayaning sina  Andres  Bonifacio  at Antonio Luna  ay  mayroong  malaking pagkakatulad tingnan, ang mga sususunod na detalye:

Sa  kanilang  kaarawan - si Andres Bonifacio  ipinanganak  noong Nobyembre  30,  samantalang Si Antonio  Luna  ay  ipinaganak noong Oktubre 29.

Si  Andres  ang panganay sa anim na magkakapatid at si  Antonio naman ang bunso sa pitong magkakapatid.

Ngunit tingnan at pag-aralan pa ang susumunod na datos  para tumayo ang inyong mga balahibo:

Una  -  ang kanilang pangalan ay nagsisimula sa letrang   A   at sinusundan  ng  letrang n at pag  pinagsama  lalabas  ang An (dres) at An (tonio).

Pangalawa  -  ang dalawa ay parehong taga -  Maynila.  Si  Andres Bonifacio ay mula sa Tondo at si Antonio Luna naman ay  mula sa Binondo.

Pangatlo  - Si Andres na unang nasawi ay may 6 letra sa  pangalan samantalang  si Antonio na ikalawang nasawi ay may 7  letra sa pangalan

Pang apat  - Ang dalawa ay nakarating sa lugar ng kanilang  kamatayan  dahilan  sa  inbitasyon ang isa ay  sa  lalawigan  ng Cavite at ang isa ay sa noon ay bayan ng Cabanatuan.

Panglima  - Si Andres Bonifacio ay natalo sa pakikipaglaban  sa mga  Espanyol  na naganap sa Kamaynilaan noong  panimula  ng himagsikang Filipino at si Antonio Luna ay natalo sa pakikipaglaban  sa  mga Amerikano sa Kamaynilaan  sa  panimula  ng Digmaang Filipino-Amerikano.

Pang anim - Noong si Bonifacio ay nasa Cavite kaniyang sinita si Vicente Fernandes dahilan sa hindi nito pagsunod sa plano sa pag-atake  at pagsakop ng Maynila. Sa Cabanatuan  ay  sinita naman  ni Luna niya ang Pangkat Kawit sa Pamumuno  ni  _Pedro Janolino_  dahilan  sa hindi nito pagsunod sa plano  ng  pag-atake at pagsakop ng Maynila.

Pangpito_  - Sa panahon ng Unang Yugto ng Himagsikang Pilipino  sa Cavite ay hayagang ang ginawang pagtanggi ni Tomas  Mascardo na  magpailalim sa pamumuno ni Andres Bonifacio. Sa  panahon ng Unang Republika ay hayagan din ang ginawang pagtanggi  ni Tomas  Mascardo  na kilalanin ang kapangyarihan  ni  Antonio Luna bilang isang mataas na heneral ng hukbo.

Pangwalo_  -  Iisang tao lamang ang sentro ng bintang  na  siyang utak sa likuran ng kamatayan ni Andres Bonifacio at  Antonio Luna, ito ay walang iba kundi si Pangulong Emilio Aguinaldo.

Pangsiyam_  - Ayon kay Emilio Aguinaldo noong mga sumunod na  araw na  lamang  niya nalaman na pinatay si Andres  Bonifacio  at sinabi rin niya na noong sumunod na araw lamang niya nalaman na  pinatay si Antonio Luna. Magkaparehong pahayag sa  dalawang magkaibang krimen.

Pangsampu_ - Pinatay si Andres Bonifacio (1897) sa panahon na  ang hukbo na nasa pamumuno ni Aguinaldo ay sinusugod at natatalo ng hukbong Espanyol. Pinatay naman si Antonio Luna (1899) sa panahon  na ang hukbong ng Unang Republika ay  sinusugod  atnatatalo ng hukbong Amerikano.

Panglabing-isa_  -  Si Andres Bonifacio  ay  pinaghihi-nalaan  na nagtatayo  ng hukbo na hiwalay at ilalaban kay Emilio  Aguinaldo,  samantalang  si Antonio Luna ay  pinaghihinalaan  na nag-oorganisa  ng isang coup d'etat laban kay Aguinaldo.  Kung magkaganoon,  ang  dalawa  ay  parehong  pinaghihinalaan  at inaakusahan  ng salang pagtataksil sa pamahalaan at  planong pagpatay sa Pangulong Aguinaldo.

Panglabing-dalawa_  -  Bago maganap ang  trahedya  itinuring  na mortal na kaaway ni Andres Bonifacio si Daniel Tria  Tirona at sa ilang pagkakataon ay nagkaroon na sila ng konprontasyon  at  dalawang pagkakataon na si Tirona  ay  tinutukan  ng baril ni Bonifacio (pangalawang pagkakataon na ang  pagtutok ng  baril kay Tirona sa Kombensiyon ng Tejeros ) isa sa  mga mainpluwensiyang  tauhan  ni Aguinaldo. Sa kaso  ni  Antonio Luna,  nakaaway niya naman ng labis si Felipe Buencamino  at sa  isang  pagkakataon ay simapal pa ni  Luna  ang  nasabing ginoo. Si Daniel Tria Tirona sa pagbagsak ng Cavite ay agad na sumuko  sa  hukbong Espanyol. Samantalang si  Buencamino  sa pagbagsak ng Unang Republika ay sumuko sa mga Amerikano.

Panglabing-tatlo_  -  Sa  ka kamatayan ng  dalawa,  ang  pangulong Aguinaldo  ay pinapayuhan at inuudyukan ( o  sinulsulan)  ng mga taong malalapit sa kaniya ng mga kaisipan na laban  kina Andres Bonifacio at Antonio Luna.

Panglabing-apat_  -  Ang pangu-long Aguinaldo ay  laging  wala  o malayo  sa  lugar na kinamatayan nina  Andres  Bonifacio  at Antonio Luna. Ngunit ang mga tao na nanguna sa pagbitay  kay Andres Bonifacio ay si Lazaro Makapagal at ang naguna  naman sa  pagpaslang kay Antonio Luna ay si Pedro  Janolino.  Sina Macapagal  at Janolino ay mga malalapit na tauhan ng  Pangulong Aguinaldo.

Panglabing-lima_  -  nang patayin si  Andres  Bonifacio,  kasama niyang  nasawi  ang kaniyang kapatid na si  Procorpio.  Nang patayin  naman si Antonio Luna kasama niya si Koronel  Francisco Roman.

Panglabing-anim_  -  Ang mga tao sa likod ng hiwalay  na  pagpatay kina Andres Bonifacio at Antonio Luna ay hindi naparusahan.

Panglabing-pito_ - Si Andres Bonifacio na unang nasawi ayy pinatanoong  buwan  ng Mayo (10, 1897) samantalang si  Antonio  ay pinatay sa buwan ng Hunyo (5, 1899).

Panglabing-walo_ - Sa bangkay ni Andres Bonifacio at Antoonio  Luna ay matatagpuan ang dalawang uri ng sugat ang una ay bunga ng taga ng itak at ang pangalawa ay mula sa punlo.

Panglabing-siyam_  - sa kamatayan ni Andres Bonifacio  ay  kasama niya namatay ang kaniyang mga nakakabatang mga kapatid na si Ciriaco  (na napatay sa panahon na ipinagtatanggol niya  ang kaniyang kapatid habang dinadakip ng mga tauhan ni Aguinaldo sa Limbon) at Procorpio(na nakasama at kasabay na  binitay). Sa kaso ni Antonio Luna, namatay ang kaniyang kapatid na  si Juan Luna (ang pintor) sa atake sa puso dahilan sa labis  na pamimighati  sa  sinapit na kamatayan  ng  kaniyang  bunsong kapatid.

_Pangdalawampu_ - Pagkatapos na mapatay si Andres Bonifaacio nakatikim  ng pagkatalo si Aguinaldo at ang huli ay  nagmartsa  ng mahaba mula Cavite hanggang Biyak na Bato upang takasan  ang mga Kastila na humuhuli sa kaniya. Sa Biyak na Bato isinuko ni Aguinaldo ang himagsikan sa isang kasunduang  pangkapayapaan. Pagkatapos na mapatay si Antonio Luna, nakatikim  muli ng  pagkatalo  si  Aguinaldo at nagmartsa  ng  mahaba  upang matakasan  ang  mga  Amerikano na nagbabalak  na  humuli  sa kaniya.  Nagtapos  ang martsa sa Palanan,  Isabela  nang  si Aguinaldo ay mahuli ng mga Amerikano.

_Pangdalawampu't  isa_  - Noong Disyembre 1897,  sakay  ng  Barkong Uranus  patungo ng Hongkong pagkatapos na makipagkasundo  sa mga Espanyol umamin si Aguinaldo sa isang mamamahayag  Espanyol  na  siya ang nagpapatay kay  Andres  Bonifacio.  Noong Marso,  1901 bago sumakay si Aguinaldo ng Barkong  Vicksburg ay  inamin  ni Aguinaldo sa mga pangkat ng  mga  Amerikanong humuli sa kaniya na siya ang nagpapatay kay Antonio Luna.

 

BALIK

 

_________________________________________________________________