My Summer of 2002

 

Corregidor 2002: Day 1, June 8

Gumising nang alas kuwatro, umalis ng bahay alas singko, nakarating sa CCP Complex before the 6 am departure time.

Nandoon na ang mga photographers ng Federation of Philippine Photographers. Pumila. Na-issue-han ng ID's, meal stubs, saka roll of Mitsubishi Film. Nambati ng mga dati nang kakilala, yung mga nakasama sa mga OTS (on-the-spot photo contest) sa Banaue, Vigan, Taong Putik, Pahiyas. Nambati ng bagong mukha, "Saang camera club kayo?" He, he, he! "Sa Hubad Camera Club po kami." Di naman pala bastos. Kaya raw Hubad, kasi nag-start sila with bare knowledge of photography.

Naupo muna. Kumain ng doughnuts. Nakipag-usap dun sa mga sasakay sa ferry boat papuntang Bataan (dun din ang istasyon). Nag-Restroom (CR). Blue ticket, dalawang piso ang bayad.

Boarding na! At first we stayed sa open deck, but decided to go sa enclosed and air-conditioned lower level that seats a hundred. Almost everybody slept through the 1.5 hr ride.

Malapit na tayo. Ayan na ang pier. Hindi pa full stop, nangakatayo na kami.

Baba na sa ferry boat, sakay na sa HATO Bus #1. Meron ring HATO Bus #2 for our group.

Quick tour of Corregidor daw kami. Si Mr. Pol ang official guide, si Mr. Tony ang driver.

Sanay si Mr. Pol na sa bawat point of interest, bababa ang mga sakay. Pero hindi puwede ang ganoon sa photographers, kasi pag-nag-set na iyan ng tripods, di mo mamamadali. Kaya walang babaan sa bus, tuloy-tuloy lang ang descriptions ni Mr. Pol. Tapos ang quick tour in one hour. Baba kami sa MacArthur Cafe and Souvenir Shop. May briefing daw si Mrs. Eduviges Huang (Nanay ng Federation).

Katakut-takot na ang shooting dun sa "I Shall Return" monumento ni MacArthur.

Gutom na kami. Sus, P10 ang isang saging lakatan dun sa Cafe, P20 ang cold mineral water. Sige na rin.

We were asked to organize ourselves into three groups. Tatlo kasi ang swing around jeepneys.

Chit, sali na kami ni Ojie sa inyo, ha? (Pacita 'Chit' Tiong always has a winning entry sa OTS)

Ay, umulan! Sige, check-in na lang muna tayo. Mrs Huang read the room assignments from her list. Sa Corregidor Hostel girl's dorm ako, sa boy's dorm si Ojie. Pareho kaming nauna sa both rooms. And we both chose yung sulok near the CR na lower deck ng double deck beds. The rest of the guys were assigned dun sa Beach House.

Balik sa MacArthur Cafe. Kinain na namin yung packed lunch.

Salamat, tumila na rin ang ulan.

Eto na ang mga jeepneys. Group 1 took the jeepney of Mr. RJ. Meron pang sideline na drinks for sale in a cooler si Mr. RJ, P20 each. Ayos. O, Alexis, dito mo na isakay ang mga models at tena na sa Topside! Siksikan, may nakasabit pa sa tapalodo ng jeepney.

The photographers swarmed like ants dun sa mile long barracks sa Topside. Nagsi-akyat. Nagsi-lusong. Nagsi-ikot. Walang pahinga ang mga models, lalo na yung pair na male and female. Maganda nga pala mag-shoot ng ruins with models in Filipino costumes. Nandoon din sa Topside yung Cine Corregidor ruins, saka yung Pacific War Memorial.

May lumakad to the Lighthouse nearby. Kani-kanyang set-ups ang mga camera clubs.

After over an hour, nagyayaan na to Battery Way. Sakay kay Mr RJ. Alexis, dito na ang mga models, dun na sa Battery Way magbihis. Sige, arya. Kami na rin ang may hawak nung ibang costumes.

Nakasimangot na ang model nang matapos ang shooting sa Battery Way. Aba e nang halos nangakasakay na kami sa jeep, biglang dumating ang tatlong 'models' na mga guwardiya ng Corregidor na ang costume ay yung sundalo nung WWII, e di nagbabaan uli sa jeepneys at nag-shoot na naman! Sos!

Hanggang 3 pm lang ang models natin, reminded Mrs Huang.

Punta naman sa South Beach. Dun naman sa batuhan pina-pose ang pagod na models. Yung isa, naka-kuwentuhan ko sa jeepney. She is an architecture student at UST. Sister at uncle niya pala yung pair na models!

Finally, bumalik na sa MacArthur Cafe. Hindi na naka-merienda ang models, kasi boarding time na nila sa ferry boat. Kami ni Ojie kumain ng kanin at ulam.

And then, tulog na muna sa hostel. Sarap, air-con ang aming dorm.

Before sundown, nagising, lumabas at nagkuha ng pictures near the shore.

At 6:30, sinundo kami ng HATO bus for our dinner at South Beach. Medyo nag-videoke pa habang hininhintay maluto ang inihaw na isda.

Then off to Malinta Tunnel for the night shoot.

We each had a flashlight. The guide, George, brought us really deep into Malinta Tunnel. Sabi ng mga photographers, "Parang dumarami yata tayong nagmamartsa dito." Maya-maya, "Parang gumiginaw yata." It was really spooky! At certain areas, may mud pa at slippery ang floor. Hindi kami lumalayo kay George. Dun na lang sa Main Tunnel medyo nag-scatter ang photographers. Pagsakay sa bus, "O, bakit parang nabawasan yata tayo?" Naglakad na pala ang mga iba.

Pag-uwi sa Hostel, walang liguan, tulog na. Pagod talaga.

Day 2, June 9

Nagising ako at 4 am kasi yung nasa upper deck ng bed ko ay bumaba at naligo.Tulog ako uli, at paggising ko ay maliwanag na at mahaba na ang pila sa shower naming iisa pala. Naghilamos lang ako at nagbihis, lumabas na.

Took shot of church, then walked to Corregidor Inn. Hay, ang tarik pala ng akyat na iyon, hiningal at pinawisan ako.

Balik sa Cafe, nag-breakfast. Balik sa hostel. Tamang-tama, free na ang shower, solong-solo ko na.

Paglabas ko , aba, nakasakay na sila sa jeepney. Pero wala ang driver. Opps, eto na ang jeepney ni Mr RJ! Lipat kami lahat sa kanya. Saan tayo? Sa Japanese Memorial po. Babalikan ba kayo, o hihintayin? Hintayin na lang po, 15 minutes lang kami dito. Ano bang 15 minutes? Kami nakasakay na, pero panay pa ang shooting ni Chit.

Nagkuwento si Mr. RJ. Minsan daw, may Japanese photographer na umarkila sa kanya. Sa loob-loob daw niya, ano kaya ang makukunan e umuulan? "Sus, para daw buang yung Japanese photographer. Patuwad-tuwad pa. Pasipat-sipat. "Kinuhanan yata ang lahat ng bato sa Corregidor. At hinihintay ang patak ng tubig!" Tawanan kami. "Hindi ko naman sinasabi na buang kayo", apologized Mr RJ. Meron kaming kasama may dalang water sprayer for flowers and plants, at pinupunasan pa ng basahan yung mga leaves ng anahaw bago mag-shoot.

He, he, he! Nang padalhan daw siya ng prints, ang gaganda naman pala ng mga kuha nung Japanese, sabi ni Mr RJ.

Next stop, Phil-American Friendship Park. Nandoon yung monumento na ang sabi ni Mr. Pol ay ganito: Tingnan ninyo, laging api ang Pinoy. Kahit sa monumento, siya yung sugatan, nanghihina, mabigat ang bitbit na baril, kawawa. Akala ng mga kasama ko,kukunan ko ng picture ang monumento. Hindi po. Nag-pose ako sa tabi nung kawawang Pinoy at nagpakuha ng picture kay Ojie! May mga gumaya sa akin!

Sa Middleside naman kami next. Panay ruins pa rin. Aba, si Chito, yung matindi ring mag-uwi ng mga awards, ay nagpaiwan na doon.

Balik uli sa Topside. Talagang favorite spot iyon. Nakipag-kuwentuhan ako kay Mr RJ, aba taga Proj 3 pala, halos kapitbahay ko lang. Nagpakuha kami ng picture dun sa mga kotse ni Quezon at MacArthur, parehong "1" ang plate number.

May mga kasama kami na humahabol manood ng Lights and Sounds show sa Malinta Tunnel at 10 am, so balik na. Hindi ako sumama. Had a chance to shoot the Filipino woman monument, saka yung blasted railroad sa beach. Nakapag-halo-halo pa with Ojie bago check-out, quick lunch at boarding na.

We opted to sit sa deck. Again, most people slept. I read a book ("Girl with a Pearl Earring") which I could not put down.

And then . . . drama at sea, 10 minutes away from CCP.

We rode on a ferry boat named OK KA (Okay Ka) which left the CCP Complex at 6:15 am last Saturday.

We rode on the same ferry boat which left Corregidor at 12:00 noon last Sunday. 10 minutes away from the CCP Complex, may umamoy usok, pinatay ang makina, 30 minutes na nakalutang lang sa dagat habang ni-repair ang isang engine. Ang ferry boat, siempre, ay na-rename na DI KA NA OK (Hindi Ka Na Okay).

__________________________________________________________________________

Labor Day Loreland Farm Resort Outing of our Census Barkada

Dear Evie, Jerry and Salve (billing is alphabetical),

Kahapon ang birthday ni Mayette (nakausap ko siya sa Orani before noon, after 5 tries) pero ang blow-out ay ini-advance na nung May 1, Labor Day sa Loreland Farm Resort in Antipolo. Eto na ang much delayed kuwento, pasensiya na kayo.

 

Alas siyete ako nagising. Tawag agad kay Nelia. Dehin goli, dehin almusal, pupunta na ako diyan sa Cainta. Nakatawag na raw si Mayette, at sa kanya tinatanong si Lou, na ka-date ni Mayette sa Crossing instead of sa Antipolo Church.

 

Pagdating ko sa kanila, wala si Nelia. Bumibili ng roast chicken sa S & R. Pina-almusal ako ni Alan ng mango juice, little ensaymadas, boiled egg. Kuwentuhan tungkol sa kaibigan niya sa kapitbahay na kalilipad lang to Quebec. Sayang, dapat si Mayette na ang naireto, mag-aasawa pala at age 51. Pag tumama sa Lotto, lilipad ang barkada to Quebec, dadaan pa kay Evie sa New York.

 

Eto na si Nelia. Nag-grocery na rin pala. Higa muna ako sa sofa, feeling menopausal. Pahinga rin si Nel. Si Alan, panay ang text kay Mayette.

 

Ayusin na ang mga dala. Kailangan malaman kung nadala ni Lou ang APS film bago dalhin ang camera ni Nelia. Kamayan na lang daw, plastic serving spoons, styrofoam plates and small knife lang ang gamit. E kung balatan na kaya ang apple mango? Hinog na pala. Ako ang kumain ng buto, ang sarap! Nagluto ng bagoong. Pumitas pa ng ilang sili sa garden, pampa-anghang. Iniwan ang isang roast chicken, pang picnic ni Alan and Neil Alan, na parehong hindi sasama.

 

Sabi sa text, nandoon na sila sa Loreland, Cottage C-38, at naliligo na si Lou. Tena na. We left at 9:30 am. Si Nel, suot na ang swimsuit. Bili sa SM, very modest, parang shorts.

 

FX kami to Antipolo. Baba sa may simbahan.Lipat sa tricycle. Uy, iba ang simoy ng hangin. Malamig. Ang daming mga puno ng mangga sa dinaanan. Mga tindang mangga sa roadside stalls. Saganang-sagana talaga. Uy, may pahutan (small mango variety). Bili tayo, puede ba? Mabait ang tricycle driver. Bumalik, huminto, at hinayaan kaming bumili ng 1 kilong pahutan for only P20. Masarap ang hinog niyan, Ana, sabi ni Nel. Pinakyaw ho nung isang babae ang lahat ng hinog, sabi ng tindera.

 

Eto na kami sa Loreland. P40 ang tricycle trip, libre ang stopover sa tindahan ng pahutan. Iniwan ako ni Nel sa entrance, pinuntahan sila sa cottage. Entrance fee is P100 for adults, P60 for children. Adult is anybody 4 ft and above. Child is 3ft to less than 4 ft. May sukatan sa guard.

 

Balik si Nel. May pambayad na kami, bigay ni Mayette. With Nel's discount card, tig-P80 lang kami. Not bad.

 

Ang lapit lang pala sa entrance nung cottage namin! Tahimik daw dito, sabi sa Admin, ani Mayette. Si Lou, nasa swimming pool na nga.

 

Nagdadaldalan pa lang at nag-aayos ng pagkain e blaring na yung music from the veranda. Naka-set-up ang videoke atsa amin nakaharap ang speakers. Bumalik ako sa Admin and requested them to tone it down. Agad namang pinuntahan yung group, who I think requested to transfer elsewhere.

 

Eto na si Lou. Fulfilled na sa swimming. Sila ni Nel ang nakasubok na sa Loreland before, sa planning conference ng Census.

 

Kain na muna tayo. Yung cottage next to us was occupied by Lou's staff. Exchange food kami. Kuha si Lou ng hipon sa kanila, wala kami nun. Bigay kami ng mangga and bagoong sa kanila, ganun.

 

Masaganang kainan, kamayan. Styrofoam ang plates, airline paper cups(courtesy of Lou's pinsan na stewardess) ang gamit. We had roast chicken, inihaw na bangus (binili nila sa may simbahan ng Antipolo), chicharon, mangga at bagoong, sarap! Ang ;pahutan, nababalatan at hinog na rin pala kahit berde pa ang balat.

 

Pagkakain, inaantok na sa busog.

 

Libot muna tayo. With map in hand, camera and payong, we went on our way. Si Lou, naiwan sa cottage.

 

Sa Phase 1 muna kami. Pose dun sa may waterfalls. Canon IXUS camera ni Mayette ang gamit. Di ko na inilabas ang Canon Idiot camera ko, kasi meron pa ring Canon APS si Nel.

 

Noted halo-halo stand and buco stand along the way. May convenience store din. At bibingka and puto bumbong.

 

Dun tayo sa view overlooking Metro Manila. Malaki ang swimming pool. Pasok kami sa reception area that overlooks Metro Manila. Go down several floors where they have accommodations. Dito nag-stay ang directors nung Census Planning Conference pero kami dun sa Admin dorm lang, kuwento ni Nel. May lunch available din pala . P75 for paksiw na lechon and rellenong talong. Not bad. Next time, huwag na tayong magbaon.

 

Ngalog na ang tuhod ko sa dami ng flights of stairs na binabaan at inakyat. Hindi mo na kaya dun sa stations of the cross, iyon ang bago nila, ani Nel. Sa Phase 2 naman kami. Maraming nadaanang pools (they have 9), malaki, maliit, mababaw, malalim, malamig, mainit. Gusto pa ni Nel ipakita yung shaded cool pool way below, I said nomore muna when I saw the flights of stairs. Marami nang tao patuloy pa rin ang dating ng mga sasakyan.

 

Bili tayo ng buco. P20 ang isa. Malamig ba? Bibigyan ko po kayo ng yelo. Wala pa ang taga biyak, ihahaid na lang sa cottage. Sige. Daan sa convenience store for cold coke. P40 daw, P30 na lang ang natirang cash on hand. Miss, ibigay mo na sa kanila ang coke, hostage ako fro the P10. Binalikan ako ni Mayette, tinubos for P10.

 

Hindi ba tayo maliligo. Mamaya na, after 2 pm. Nagbulatlat ng mga swimsuit. Naks, 3 piece avocado green Wacoal ang kay Mayette. Cute. Libo siguro ang halaga niyan. Bikini, top and skirt, ang arte! Yung lava lava wrap ni Lou (bigay ni Lulu from Solomon Islands) medyo kupas na dahil lagi niyang ginagamit. Yung Zamboanga batik wrap ni Nel na bigay ni Lou, tumatagas raw ang color. Ready rin si Mayette with Coppertone 45 for the body and another tube of sunscreen for the face. Wala nang separate for the lips.

 

Ang tagal ng buco. Sinundo ko na. Nakasalubong ko ang mag-de-deliver. Okay, may ice cubes pa in a separate plastic bag. Ay, bakit hindi biyak yung sa akin, complained Lou. Ang lambot naman pala ng shell, nabiyak niya with our little knife.

 

Oh, and our cottage nga pala is shaded by a kasuy tree. Panay ang laglag ng mga bunga. Nakapulot ako ng ilan. Very juicy. Si Lou, bumanat: "Akin na nga yang payong mo at manunungkit ako ng kasuy!" Ops, Lou, bawal mamitas, kailangan hintayin nating malaglag.

 

Nag-decide mag-swim si Lou and Nel. Kami ni Mayette, natulog. Sarap parang papag yung seats ng bamboo cottage namin. Malamig ang simoy ng hangin.

 

Ops, umingay yung kapit-cottage namin. Nagbalikan from swimming, nagkainan, nag-cards, na-up ang volume ng stereo nila.

 

Masama ang gising ni Mayette. Ayaw na tuloy mag-swimming.

 

Nakupo! Na-set pa ang videoke ng ihawan group under the mango tree near us. Lasing na sila, paano babawalin? Ni hindi kami magkarinigan ni Mayette. At sus, may Visayan accent pa ang kumakantang hindi naman maganda ang boses. Ini- kurtina ko na ang beach towel ko sa cottage namin to muffle the sounds, masakit pa rin sa tenga.

 

Nag-swimsuit na ako. Tena,Mayette, sundan na natin sila. Nandoon sigurado sa shaded

pool. Nasalubong namin sila, kaaahon at babalik daw sa cottage para kumain. Lublob

uli kayo, samahan ninyo ako. E di sige, balik sila. Kaya daw umahon, kasi tumigil ang

flow ng tubig dun sa parang falls. He, he, he ! Tamang-tama, pagbalik sa bridge, nag-

resume ang flow. Di naka-posing pa! Si Mayette ang photographer. Enjoy!

 

Ang ginaw pala dun sa shaded pool, tapos ang liit, dalawang kampay pa lang,

nasa kabilang ibayo ka na. Rarayumahin ako dine, tena na. Buti at may payong, naging cane para sa pag-akyat ng hagdan.

 

Dun tayo sa may jacuzzi pool. Alas-kuwatro raw i-re-resume ang pressured water flow. Lublob kami. Aba, suerte, na-on agad. Ang galing, may cottage right in the middle of the mother pool. Yung group ng katabi namin sa jacuzzi ang naka-reserve ng cottage na iyon ( a month befor pa raw). Medyo mainit ang sikat ng araw, so nagpayong kami sa jacuzzi. Pinagtatawanan kami ng ibang swimmers.

 

Lumabas ang katarayan ni Lou nang matamaan ng bola ng voleyball yung isang katabi namin. Tiningala ang mga nag-vo-voleyball sa higher level at sinigawan: " Tigilan ninyo iyan, nakakasakit kayo nga tao rito!" Nag-sorry naman ang mga bata.

 

Ang sarap ng massage ng water pressure sa lower back and behind the knees! Mayette, bihis ka na at balik ka rito, hihintayin ka namin. Ayaw talaga!

 

Balik sa cottage, kain uli. May ensaymadang dala si Mayette. Naks, branded ito Goldilocks, at hamonado pa. Di tulad nung generic ensaymada na inalmusal ko kanina kina Nelia.

 

Mag-su-swimming pa ba kayo, tanong ni Mayette. Aba, oo! Tapos, kakain ng halo-halo. Ayaw na kaming bigyan ng funds ni Mayette!"Pati ba naman halo-halo, sa akin pa rin?" Opps, tameme ang barkada.

 

Dumaan kami sa halo-halo stand, nagbayad for 4 halo-halo, with instructions to deliver one to Mayette at the cottage right away, at ang tatlo ay dadaanan namin pagbalik.

 

Sa Phase 1 naman kami. Talagang swimming! Hanggang leeg ang tubig, puwedeng mag-treading at mag-swimming. Sarap! Nang mapagod, jacuzzi uli. Nang babad na babad na, umahon.

 

Dinaanan ang halo-halo. Sus, hindi naka-deliver ng isa for Mayette.

 

Ang sarap ng halo-halo! Take home na lang ang remaining ensaymada hamonado.

 

Tapos, shower na at ligpit na. Dumidilim na. Akina nga yang black palstic bag, paglalagyan ko ng mga basa, requested Lou. Ayaw iabot ni Mayette! Branded pala, Harrods! Naks, nahagilap lang daw niya sa bahay nila, ani Mayette. Sey ni'yo! Nakita rin ni Lou eventually yung generic black plastic bag niya.

 

No problema ang transportation. Naka-hilera ang mga tricycle sa may entrance. P40 per trip, kasya daw kaming apat sa isang tricycle, sabi ng dispatcher. Ayaw kong umangkas sa likod ng driver, sabi ni Nel. Ayaw ko rin umupo dun sa side seat na di kasya ang puwit ko. Separate tricycle na lang kami ni Nel.

 

Sa may church, na-inganyo kaming tingnan kung ano ang gayak nila for the Maytime fiesta. Aba, truly festive. Pumasok kami sa simbahan. Maya-maya, eto na si Mayette and Lou. Nauna pa pala kami, kasi bumili pa sila ng pamaypay. Ang hystercetomy club, panay menopausal.

 

Dumaan ako kina Nel. Hindi na kami kumain pa. May take home santol ako. Na-refine pati funding ng mga pangarap travels for the barkada.

 

Kinabukasan, balik uli sa grueling planning conference dine sa office.

 

The May 1 Labor Day outing was a perfect unwinding time for me, thanks to Mayette and the barkada.

__________________________________________________________________________

Baguio 2002: Sabado, April 20

4:30 am ako gumising. At 5:20 am tumawag ako sa office para magpa-reserve ng upuan sa mga naunang dumating. Walang sumasagot sa phone. Ibig lang sabihin, nakasakay na sila sa bus! Walang taxi, so nag-dalawang sakay ako ng jeepney. Derecho na sa NFA tourist bus at 5:50 am. Pasok sa office, kinuha ang maliit na unan saka ang itlog na maalat na baon. Nalimutan ang kubyertos.

Malinaw ang mga kausap, kaya nakaalis at exactly 6 am. I had two seats to myself, very comfortable.

Tahimik sa bus, nagtulugan ang mga sakay na panay maagang nagsigising.

Ang daming nadaanan na mga puno ng mangga na hitik sa bunga.

At 9 am, jingle stop sa Tarlac gasoline station. Ang haba ng pila sa ladies' restroom!

Naka-merienda ang driver at passengers.

Tuloy-tuloy lang ang biyahe namin.

Ang ganda ng City Hall ng Urdaneta, Pangasinan!

Marcos Highway ang dinaanan namin. Aba, mukhang hirap yatang umahon sa bundok ang bus.

Ayun, nadaanan na ang tunnel na ginagawa pa lang nung year 2000. Ang ganda!

Inihinto ang bus sa isang roadside restaurant. Kailangan daw tubigan. Bumaba ako at bumili ng pinakbet, saka rice.

Nag-lunch na ako sa bus, may dala naman kasi akong tray and plastic spoon and fork.

We got to the NFA Staffhouse in Loakan at 1 pm. Check-in. Two families joined me in a 10-bed one CR room.

We ate lunch at the terrace. I brought my leftover sisig of the night before, so iyon ang lunch ko.

2:30 pm, libot na sa Baguio ang bus. Hindi ako sumama. Natulog ako sa room. Sarap lang ng privacy. Pagkagising, naglakad-lakad sa neighborhood. Nakabili ng kamatis at bagoong for my itlog na maalat sa roadside stall. Kumuha ng picture sa Texas Instruments entrance (bawal lumibot sa loob, ayaw ng mga guwardiya) Nakabili ng Sagada grapes sa nakasalubong na naglalako. Naupo sa bus stop, namapak ng grapes while watching the world go by. Naambunan konti ng ulan on the way back to the NFA Staffhouse. Sumilong at nasita ng guard sa TESDA.

Nag-early dinner ng itlog na maalat alone sa terrace. Nag-ready nang matulog. Hindi pa gaanong naiidlip, kumakatok na ang nagsibalik nang roommates. Higa uli. Sus, na-lock naman nila ang pinto, kaya katok uli. Gising na naman ako!

Ang ingay ng mga nagtatakbuhang bata sa lobby, tapos nagdaldalan ang mga ka-roommates ko, at nakasindi pa ang ilaw dahil may kids, so halos di ako nakatulog.

Linggo, April 21,2002

Ang aga ring nagsigising, kasi 7 am ang usapang departure for St Joseph Church in Pacdal. I used the CR outside our room, how can I compete with 9 people? Bread and tea breakfast lang ako sa terrace.

7:30 am nakaalis ang bus, so tamang-tama for the 8 am mass. From the church, I walked to my sister's residence in Siapno Rd. Kuwentuhan. Kainan. My sister and her kids joined me and we walked to Wright Park where the bus was parked.

At 10:30 am, the bus left for Mines View Park. Bumaba na kami nang ma-traffic dun sa may century pine tree. Took pictures there. Walked to Good Shepherd Convent. Bought stuff, took strawberrry juice with calamansi, sarap! Posing for pictures at the viewing deck, the Meditation corner and with the Good Shepherd. Went back home by jeepney. Lunch was chopsuey Baguio vegetables, sarap!

Then I took a nice nap, sarap!

Pagkagising, merienda. Then we (my sister and I plus her two kids) took two jeepney rides to the Ifugao woodcarvers' village in Asin Rd.

Ang ganda naman. We were able to watch woodcarvers in action, konti nga lang kasi Sunday.

Nakakatuwa magtingin dun sa shops. May kani-kanyang specialties. Lahat ng klaseng pusa, meron sa isang shop. Buddhas na malalaki ang tiyan dun sa isa. Lahat ng sizes ng man in a barrel, meron din. Mga eagles in flight. Spoons and forks. Religious carvings. May isang pagkagandang Last Supper. Barrio harvest scene. I think that village does export orders, judging from the packaging we saw.

We all got small animal wood carvings. Owl, cat, dolphin, rooster, plus some smiling faces, too. We took pictures, of course.

Bago dumilim, sumakay na kami pabalik sa palengke for another ride back to Pacdal.

We stopped to buy a dozen eggs. Natagalan magpapalit for the sukli. Naunang maglakad si Vladimir (aka Harry Potter), and we lost him!

Inay, lalong nangalog ang tuhod ko sa paghahanap namin ng batang nawawala! Inabot na ng dilim, wala pa rin si Harry Potter. Nag-report na kami ng missing kid sa police station sa market.

After what seemed like forever, pagtawag namin sa bahay to inform his father about the progress of the hunt, nandoon na raw sa bahay! Ang bata, naglakad ng 5 km to reach home!

Hinga nang maluwag, pasalamat sa pulis, lakad na uli kami to the Pacdal jeepney terminal, at umuwi na ng bahay. Hay . . . ubos ko ang isang bandehadong steamed talbos ng sayote with bagoong for dinner!

Hindi na ako nagpahatid sa NFA Staffhouse. I called to inform na sa sister ko na lang ako matutulog.

I was in bed at 9 am and woke up sa unang tilaok ng manok at 4:15 am. Balik tulog hanggang sa pangalawa at pangatlong tilaok ng manok.

Ang sarap matulog, I had a room to myself, tahimik na tahimik, ang dilim, at ang ginaw pa.

Monday, April 22, 2002

Papatapos kami ng breakfast of corned beef, itlog na maalat and tomatoes nang tawagan ako na 7 am daw ang alis ng bus sa staffhouse. Dali-dali na kaming nagbihis at nag-taxi na. 6:50 am dumating. Retrieved my things, (nalimutan ang towel sa rack), checked out. Kasama ang sister ko at si Harry Potter sa bus. Ayun, hanggang 9:30 am kami sa Burnham Park. Doon na ako nagbihis sa Clean Restrooms.

Onli in da Pilipins: tatanungin ka ng restroom atttendant kung ano ang gagawin mo sa loob, kasi P3 ang yellow ticket for urinate, P5 ang blue ticket for defecate, P10 for cold bath with timba and tabo (2 blue tickets) , P20 for shower (4 blue tickets). Ayos ba? And P1 per set of several sheets of toilet paper pa pala.

Libot sa Burnham Park. We did not let Harry Potter out of our sight, baka mawala uli.

Napakyaw ng group namin yung tinda ng naglalako ng Sagada grapes. Fixed price sila, P100 per kilo.

Malinaw talaga mag-usap ang mga sakay ng bus. We left Burnham Park at 9:30 am. With one lunch stop in Pangasinan plus two jingle stops, and unloading of passengers in Bocaue and Camachile, we arrived at the NFA Central Office at 4:15 pm.

Unloaded majority of passengers and cargo (sangkatutak na walis, ako nga may pasadya pang 8 Quidditch broomsticks!)

I went with the bus going to the motor pool near my place and got home at 5:30 pm. Napa-develop pa ang film sa neighborhood Kodak before I slept at 8:30 pm. Ayos!